Cameo ng ama ni Sarah Geronimo sa Unforgettable, nagsimula sa biruan

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2019
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay

Nagsimula lamang sa biruan ang cameo role ng tatay ni Sarah Geronimo na si Delfin sa Unforgettable, ayon sa isang production insider.

Sa script reading ng cast ng pelikula, nagbiro si Sarah sa Daddy Delfin niya na puwede itong magkaroon ng special participation sa Unforgettable, kaya biniro rin ng mga direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan ang kanyang ama.

Nang papalapit na ang araw ng shooting ng eksena, saka sinabi kay Delfin na siya na talaga ang gaganap sa role ng dog pound staff.

Ipinaliwanag kay Delfin na interesting ang character ng dog pound staff dahil siya ang makakaaway ni Jasmine, ang karakter na ginagampanan ng kanyang anak.

Tensed na tensed si Delfin sa araw ng shooting dahil unang pelikula niya ang Unforgettable at may mga dialogue pa siya.

Pero ginulat ni Delfin ang production staff dahil okey ang lahat ng take niya.

Natuwa rin ang staff dahil, onscreen, talagang nagsagutan ang mag-ama nang kunan ang kanilang mga eksena.

Continue reading below ↓

Truly, unforgettable para kina Sarah at Delfin ang Unforgettable dahil ito ang unang pagkakataong nagkasama sila sa pelikula, na puwedeng panoorin ng maliliit na bata dahil G or General Audience (suitable for all audiences ang classification na ibinigay ng MTRCB.

Ayon sa mga nakapanood sa Unforgettable, to date, ito ang pinakamagandang pelikula at most challenging role ni Sarah dahil sa performance na ipinamalas niya na worthy of a best actress nomination.

May dahilan umano para ipagmalaki ni Sarah ang Unforgettable, na hindi basta isang feel-good movie dahil magmamarka sa isip ng manonood ang mga aral tungkol sa basic manners na nakakalimutan na, hindi lamang ng mga bata kundi ng matatanda.

Postscript: Hindi natuloy ang planong magkaroon ng special participation sa Unforgettable ang mga pet dog ni Sarah dahil hindi sila babagay sa role.

"Hindi namin na-cast ang dogs ni Sarah kasi mostly Aspins ang kailangan for the scenes. Ang gaganda kasi ng dogs nina Sarah!" paliwanag ng production insider na nakausap ng Cabinet Files.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results