It's Showtime, humingi ng paumanhin dahil sa wardrobe malfunction

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2019
Si Vice Ganda ang naatasang humingi ng paumanhin, sa ngalan ng It’s Showtime, dahil sa wardrobe malfunction na nangyari kay Lars Pacheco (kanan), ang trans woman na second runner-up sa Miss Q&A 2018, sa programa.
PHOTO/S: Mark Atienza / Screen grab from It's Showtime

Si Vice Ganda ang naatasang humingi ng paumanhin sa viewers ng Friday edition, October 25, ng It’s Showtime dahil sa wardrobe malfunction na nangyari kay Lars Pacheco, ang trans woman na second runner-up sa Miss Q&A 2018.

"Gusto lang po naming bigyang linaw ang naganap kaninang pangyayari kay Lars Pacheco.

"Nagkaroon po kanina ng wardrobe malfunction si Lars Pacheco.

"Wala pong may kagustuhan nun, kahit po si Lars ay hindi kagustuhan ang pangyayari, at sinuman sa mga host o bahagi ng programang ito ay hindi ginusto ang mga pangyayari.

"At kahit po si Lars ay sobrang na-embarrassed sa pangyayaring yun kaya kung meron mang na-offend doon ay humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng nakakita at nakapanood.

"Gayunpaman, uulitin ko, wala pong may kagustuhan sa naganap na wardrobe malfunction,” ang public apology ni Vice Ganda.

Si Lars ang katabi ni Kim Atienza sa pagkanta ng theme song ng It’s Showtime sa opening number, pero hindi sinasadya na lumitaw ang right boob niya.

Continue reading below ↓

Agad na tumagilid si Lars para ayusin ang kanyang damit pero huli na dahil malinaw at kitang-kita sa telebisyon ang nip-slip incident.

Mabilis na kumalat ang video clip na naging trending topic sa social media kaya may mga nakiusap na irespeto si Lars dahil hindi nito kagustuhan ang embarrassing moment na nasaksihan ng libu-libong televiewers.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Vice Ganda ang naatasang humingi ng paumanhin, sa ngalan ng It’s Showtime, dahil sa wardrobe malfunction na nangyari kay Lars Pacheco (kanan), ang trans woman na second runner-up sa Miss Q&A 2018, sa programa.
PHOTO/S: Mark Atienza / Screen grab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results