Dalawang weekly shows ng major TV network, titigbakin na

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Dalawang weekly programs ng isang major TV network ang nakatakdang magpaalam sa pagtatapos ng 2019.

Hindi na ire-renew ng network management ang kontrata ng blocktime deal nila sa independent television producer, kahit mataas ang ratings ng programa na mahigit apat na taon nang napapanood.

May balitang alam na ng cast ang malungkot na balita kaya nakararanas sila ng separation anxiety at nag-iisip na ng mga nararapat gawin para magpatuloy ang kanilang showbiz career.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, malaki ang posibilidad na magpaalam sa ere ang programa sa December 2019.

May plano rin ang network management na tapusin ang weekly show na kinagigiliwan ng mga bata at matatanda.

Dalawang taon nang napapanood sa telebisyon ang programa na mahal na mahal ng isang respetadong aktres.

Nauna nang mawala sa programa ang respected actress kaya hindi na nito masyadong daramdamin kung sakaling matuloy ang pagsasara ng show na naging malaking bahagi ng kanyang buhay at acting career.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results