Love scenes nina Lovi Poe at Joem Bascon sa The Annulment, mapangahas

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2019
The Annulment director Mac Alejandre describes in detail how he shot the intimate scenes between Lovi Poe and Joem Bascon: “Malinis ang usapan. I will never do anything that my actors will not agree to."
PHOTO/S: Jet Hitosis

Hindi itinanggi ni The Annulment director Mac Alejandre na mapangahas ang mga eksena nina Lovi Poe at Joem Bascon sa pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na may playdate sa cinemas nationwide sa November 13, 2019.

“Sa edad [ng mga karakter] nila, malaking bagay ang physical relationship sa emotional commitment, so isa ‘yon sa malaking aspeto, that’s why the scenes are very daring.

“Some scenes are romanticized cinematically, pero some scenes, we purposely shot in awkward position. That’s how it goes,” paliwanag ni Mac tungkol sa mga matitinding love scenes nina Joem at Lovi sa The Annulment.

Para magkaroon ng idea ang lahat, ikinuwento ni Mac ang ilang mga eksena sa pelikula.

“Nag-aaway sila, ayaw ni girl [na makipag-sex]. Sabi ni guy, ‘Asawa kita, may obligasyon ka sa akin.’

“So it’s almost marital rape. So instead of marital rape, 'I’ll give it to you. This is what you want? I will give it to you. You had fun? Good!'

Continue reading below ↓

“At the end of the scene, after really good rough sex, Lovi says ‘Nag-enjoy ka?’

“Sabi ni Joem, ‘Oo, salamat.’

“Sabi ni Lovi, ‘Sex lang ‘yon, pareho nating kailangan. Sa baba ako matutulog,” ang patikim na kuwento ni Mac tungkol sa mga kaabang-abang na eksena sa The Annulment.

Ibinahagi rin ni Mac ang professionalism nina Lovi at Joem bilang mga aktor.

Bago kunan ang love scene ng dalawa, ipinakikita muna ni Mac at ng assistant director nito ang mga gusto niyang mangyari.

"Gusto ko lang i-share how open they are. Before I do a love scene, nilalatag ko sa kanila kung ano ang gagawin.

“'Heto ang gagawin,' then I ask my assistant, the two of us do it, wherever it is—from the bed, from the floor, in the shower—I block it so that they will see it, and after everything, sasabihin ko, 'If you have any discomfort, tell me.'

Continue reading below ↓

“And then they tell me right away, ‘Direk, ang ganda, halika gawin natin!’

“So, malinis ang usapan. I will never do anything that my actors will not agree to.

"Dapat lahat tayo nagkakaintindihan to the smallest kiss, to the smallest gapang ng kamay papunta sa nipple, lahat ‘yon pinag-uusapan namin,” ang sabi ni Mac na natawa sa opinyon na mabigyan sana ng MTRCB ng R13 classification ang The Annulment sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga daring at sizzling love scene.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Annulment director Mac Alejandre describes in detail how he shot the intimate scenes between Lovi Poe and Joem Bascon: “Malinis ang usapan. I will never do anything that my actors will not agree to."
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results