Cebu, wagi bilang Miss Millennial Philippines 2019; Vice Ganda, first place sa Magpasikat

by Jojo Gabinete
Oct 27, 2019
(Left) Miss Millennial Cebu Nicole Borromeo was crowned Miss Millennial Philippines 2019 in Eat Bulaga; (right) Vice Ganda with Dawn Zuleta pay tribute to persons with alopecia in It's Showtime's Magpasikat.
PHOTO/S: Eat Bulaga Instagram / It's Showtime Facebook

Ang grand coronation ng Miss Millennial Philippines 2019 ang itinapat ng Eat Bulaga! sa Magpasikat 2019, ang talent competition ng 10th anniversary celebration ng It’s Showtime, kahapon, October 26.

Ginanap ang Miss Millennial Philippines 2019 sa Meralco Theater, Pasig City; habang ang Magpasikat ay ginanap naman sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay City.

Si Nicole Borromeo ng Cebu ang itinanghal na Miss Millennial Philippines 2019.

First runner-up si Angela Robson ng Pampanga, 2nd runner-up si Annabelle McDonnell ng Lanao de Norte, at 3rd runner-up si Maica Martinez ng Nueva Ecija.

Ang Team Vice Ganda ni Vice Ganda ang idineklarang grand champion sa Magpasikat, ang annual talent competition ng mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN.

Second place ang team nina Vhong Navarro at Mariel Rodriguez, habang third place ang team nina Anne Curtis at Amy Perez.

Maligayang-maligaya si Vice sa tagumpay ng kanyang team na nanalo ng isang milyong piso na ibibigay nila sa kanilang chosen charity, ang mga kababayan natin na biktima ng alopecia.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Vice sa pasasalamat nito na talagang masuwerte sa kanya ang 10th year ng It’s Showtime sa telebisyon.

Bukod sa nanalo ang Team Vice Ganda, maligaya siya dahil nakilala niya sa programa si Ion Perez, ang current boyfriend niya.

Nagmistulang tribute kay Vice ang huling araw ng 10th anniversary celebration ng It’s Showtime dahil sa mga nakalulunod na papuri sa kanya ng mga hurado ng Magpasikat.

Really, everybody loves a winner.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Miss Millennial Cebu Nicole Borromeo was crowned Miss Millennial Philippines 2019 in Eat Bulaga; (right) Vice Ganda with Dawn Zuleta pay tribute to persons with alopecia in It's Showtime's Magpasikat.
PHOTO/S: Eat Bulaga Instagram / It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results