Manilyn Reynes at kanyang ina, kinantahan ang maysakit na ama

by Jojo Gabinete
Oct 28, 2019
Maraming netizens ang naantig sa pag-awit ni Manilyn Reynes at ng kanyang ina na si Mommy Louching sa nakaratay na ama ng singer-actress na si Daddy Nelson.
PHOTO/S: Manilyn Reynes Instagram

Ang touching and heartwarming video ng pag-awit ni Manilyn Reynes at ng kanyang ina na si Mommy Louching para sa ama ng singer-actress na may karamdaman ang major showbiz news story sa 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, October 28.

Naka-post ang duet ng mag-ina sa Instagram account ni Manilyn mula pa noong October 21, pero patuloy itong umaani ng maraming likes at comments mula sa netizens.

Hindi nakapanood ng concert ni Manilyn sa Cebu ang kanyang ama na si Daddy Nelson dahil sa kalagayan nito, kaya kinantahan na lamang nila ni Mommy Louching ang tatay niya.

Ang "You" na pinasikat ni Karen Carpenter ang duet song ng mag-ina na nagpalambot at nagpasaya sa puso ng mga nakapanood sa video.

Hindi lamang ang nag-uumapaw na pagmamahal ng tatlo sa isa’t isa ang napansin ng netizens dahil pinuri rin nila ang napakagandang singing voice ng ina ni Manilyn.

Hindi maipagkakailang minana ni Manilyn mula kay Mommy Louching ang talent niya sa pagkanta.

Continue reading below ↓

Siguro naman, hindi mamasamain ng singer-actress, na may titulo noong Star of the New Decade, ang mga komento na mas magaling na singer ang nanay niya kesa sa kanya.

Lahad ni Manilyn tungkol sa pag-awit nila ng ina sa kanyang ama, "This year, I did two shows in Cebu.

"Yung una po, impromptu yung song namin ni Mama.

Continue reading below ↓

"Pero nitong huli, isinama na po talaga namin sa show as one song number.

"As always, I love singing with my Mama. Napakalamig at napakaganda ng boses niya.

"Si Daddy po, dahil sa condition niya, hindi na makakapanood.

"So, nag-decide kami na kantahin sa kanya yung song, bago mag-show.

"At wala pong kasing-saya ang puso ko nang makantahan at makita kong masaya siyang nakikinig sa amin. Tulad nung maliit pa ako.

"It may seem na galawgaw-galawgaw akong tingnan while singing.

"Ayaw ko lang ipakita sa kanya ang vulnerability o kahinaan ko, pero deep inside I was crying.

"Hindi dahil malungkot ako, pero dahil nagawa ko yung ginagawa ko nang nandiyan siya.

"The situation touched my heart immensely.

"Daddy, I will forever sing to and for you."

Sa isang uploaded Instagram video ni Manilyn noong nakaraang buwan, ang "You Made Me Live Again" na pinasikat ni Janet Basco noong dekada ’80 ang kanta na inaawit ng kanyang ina.

Continue reading below ↓

"May nanalo na!" reaksiyon ni Manilyn sa very impressive singing talent ng nanay niya na pinuri rin ng kanyang mga kaibigan na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Gladys Reyes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming netizens ang naantig sa pag-awit ni Manilyn Reynes at ng kanyang ina na si Mommy Louching sa nakaratay na ama ng singer-actress na si Daddy Nelson.
PHOTO/S: Manilyn Reynes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results