Ryza Cenon, ayaw na ng boyfriend na taga-showbiz

by Jojo Gabinete
Oct 28, 2019
Ryza Cenon: "Kung magkakaroon ako ng bagong boyfriend, sana non-showbiz at sana last na, kasi ang tanda ko na."
PHOTO/S: Ryza Cenon Instagram

Ang maipatayo ang kanyang dream house sa lote na naipundar niya ang main goal ngayon ni Ryza Cenon kaya tanggap siya nang tanggap ng mga trabaho.

Hindi nabakante si Ryza nang magwakas ang The General’s Daughter noong October 4, 2019 dahil bukod sa taping ng action series na pinagbibidahan niya at mapapanood sa Sari Sari Channel, may action movie siyang ginagawa.

Ito ay ang Delta, kung saan kasama niya sina Phoebe Walker at Cindy Miranda.

Ang sunud-sunod na projects niya ang dahilan kaya wala muna sa bokabularyo ni Ryza ang makipagrelasyon.

Besides, hindi pa raw siya handang magmahal muli.

"Merong mga gustong manligaw, pero hindi pa ako ready," sabi ni Ryza.

Mula sa showbiz ba ang nanliligaw sa 'yo?

"Ayoko na sa taga-showbiz, nakakapagod.

"Although si Cholo [Barretto] kasi, siya yung first na boyfriend ko from showbiz.

"Nung dati pa talaga, ayoko ng taga-showbiz, siya lang yung first.

"Parang, sabi na, huwag nang mag-showbiz [na boyfriend], e," pahayag ni Ryza.

Continue reading below ↓

Tila napaso nang husto ang aktres sa pakikipagrelasyon sa kapwa artista.

"Kung magkakaroon ako ng bagong boyfriend, sana non-showbiz at sana last na, kasi ang tanda ko na.

"I’m turning 32 sa December 21.

"Nape-pressure ako dahil yung mga kasama ko, yung friends ko, may mga anak na, dalawa na.

"Kaya kapag may get-together kami, naa-out of place ako minsan.

"Nag-uusap sila regarding sa babies, so parang ako, gusto kong i-share yung aso ko.

"Siyempre, gusto ko rin magkaanak kahit isa lang.

"Sina Mike Tan, LJ Reyes, may mga anak na.

"Sila yung mga kasabay ko sa showbiz," sabi ni Ryza.

Ang makapagbiyahe sa ibang bansa ang gusto ni Ryza na reward sa sarili pagkatapos ng siyam na buwan na taping niya para sa The General’s Daughter.

Pero hindi ito mangyayari sa lalong madaling panahon dahil sa pagsisimula ng shooting ng Delta.

"Sobrang simple lang ng reward ko, ang makapag-travel lang, pero may mga trabaho pa ako.

Continue reading below ↓

"Siguro sa December na lang. Gusto kong pumunta sa Peru dahil mahilig ako sa hiking," sabi ni Ryza.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon: "Kung magkakaroon ako ng bagong boyfriend, sana non-showbiz at sana last na, kasi ang tanda ko na."
PHOTO/S: Ryza Cenon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results