Ai-Ai delas Alas, mas matagal ang bagong kontrata sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Oct 29, 2019
Ai-Ai delas Alas on renewing her contract with GMA-7: "I am so blessed na Kapuso pa rin ako and, this time, mas mahaba ang contract ko—three years until March 2022. Three years na mapapakain ko ang aking pamilya at matutulungan ang mga charity work ko!”
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Taos-puso ang pasasalamat ni Ai-Ai delas Alas sa Diyos at sa management ng GMA-7 dahil sa bagong biyayang natanggap niya—ang renewal ng kanyang exclusive contract sa Kapuso Network.

Year 2015 nang bumalik si Ai-Ai sa GMA-7 makalipas ang 16 taon na pananatili sa ABS-CBN.

Ngayong umaga, October 29, muling pumirma ang Comedy Queen ng kontrata sa GMA-7.

Continue reading below ↓

"I am so blessed na Kapuso pa rin ako and, this time, mas mahaba ang contract ko—three years until March 2022.

"Three years na mapapakain ko ang aking pamilya at matutulungan ang mga charity work ko!” natatawang pahayag ni Ai-Ai.

Patuloy niya, "God is so GOOD! Sobra-sobra ang mga blessing na ibinibigay Niya sa akin.

"Wala akong hiniling at ipinagdasal na hindi Niya ibinigay."

Isa sa mga pangarap ni Ai-Ai ay ang magkasama sila ni Derek Ramsay sa isang TV series.

"Ngayon Kapuso artist pa rin ako, I hope makagawa ako ng soap with Derek Ramsay at sa ibang mga Kapuso star na hindi ko pa nakakatrabaho.

"Maraming -maraming salamat sa GMA 7 management, kay Atty. Felipe L. Gozon at sa mga bosses sa kataas-taasan dahil may trabaho na naman ako sa matagal na panahon," mensahe ng pasasalamat ni Ai-Ai sa mga executive ng GMA Network, Inc. na patuloy na nagtitiwala sa kakayahan niya.

Continue reading below ↓

Magdiriwang si Ai-Ai ng kaarawan sa November 11.

Ang renewal ng kanyang kontrata sa GMA-7 ang itinuturing niya na isa sa mga early birthday gift na kanyang natanggap.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on renewing her contract with GMA-7: "I am so blessed na Kapuso pa rin ako and, this time, mas mahaba ang contract ko—three years until March 2022. Three years na mapapakain ko ang aking pamilya at matutulungan ang mga charity work ko!”
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results