PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nuuk director Veronica Velasco, aminadong natakot idirek sina Aga Muhlach at Alice Dixson

Mga Pinoy sa Greenland, malaking tulong sa shooting ng Nuuk.
by Jojo Gabinete
Published Nov 4, 2019
Nuuk director Veronica Velasco (gitna), nagkuwento ng fond memories niya habang nagsu-shooting ng pelikulang pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang Nuuk ang follow-up project ng direktor na si Veronica Velasco sa critically-acclaimed movie na Through Night and Day.

Kung kinunan sa Iceland ang mga eksena nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi sa Through Night and Day, nagpunta naman sina Aga Muhlach at Alice Dixson sa Nuuk dahil nangyari sa capital city ng Greenland ang kuwento ng pelikula.

Ipinagtapat ni Veronica na may takot siyang naramdaman nang malaman niyang sina Aga at Alice ang mga bida ng Nuuk, pero naging kumportable na siya nang magsimula ang shooting nila.

"Actually, I was quite surprised. When I was given the project, they were already on board, so parang medyo nakakatakot idirek si Aga Muhlach and Alice.

"But surprisingly, noong nandoon kami sa Greenland, hindi ko alam kung ano ang nagagawa ng shooting in a remote place, pero I was surprised na magkakasundo kaming lahat, walang away.

"Kasi ang hirap na nung lugar, e. Hindi ka na puwedeng mag-inarte dun. Pampatagal ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So we really had a good time.

"If you watch the film, you have to really watch the ending kasi sobrang galing sina Aga at Alice," kuwento ni Veronica.

Kahit ang Nuuk ang capital at largest city ng Greenland, maliit lamang ang populasyon nito na 17,000 na kinabibilangan ng 400 Pilipino, na malaki ang naitulong sa shooting ng Nuuk kaya may planong ipalabas doon ang pelikula nina Aga at Alice.

"I think yung Danish ambassador is trying to negotiate na may showing [ang Nuuk] sa Denmark pero inaayos pa nila.

"Yung mga Filipinos doon, they are part of the medical profession, yung mga hotel saka mga restaurant.

"Actually, ang laking tulong nila. Nung wala kaming permit sa hospital, dahil sa Filipino nurses, we have access to places we normally are not allowed, kasi sila ang may hawak ng susi.

"Even sa bar, sila yung mga waitress, binibigyan nila kami ng extra food. Sa Greenland, may kare-kare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Aga, hindi nga kumakain. Ang galing nga, e.

"Ang guwapo ni Aga sa pelikulang ito, yun lang ang masasabi ko," ilan sa fond memories ni Veronica sa halos isang buwang pananatili nila sa Greenland para sa principal photography ng Nuuk.

Ngayong gabi, November 4, ang red-carpet premiere ng Nuuk sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nuuk director Veronica Velasco (gitna), nagkuwento ng fond memories niya habang nagsu-shooting ng pelikulang pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results