Nalalapit na ang pagbabalik sa telebisyon ni Senator Bong Revilla Jr. at mangyayari ito sa kanyang home studio, ang GMA-7.
Pambata ang bagong programa ni Bong sa Kapuso Network, pero hindi pa ipinapahayag ng management ang magiging pamagat ng kanyang weekly show na mapapanood tuwing Linggo.
Ang still-untitled program ni Bong ang planong ipalit sa Daig Kayo ng Lola Ko, ang drama-fantasy anthology ng multi-awarded veteran actress na si Gloria Romero, na pinalitan muna ni Nova Villa dahil sa mga health issue niya.
Dahil pambata ang bagong TV show ni Bong, drama-fantasy anthology rin ito na kapupulutan ng aral at hitik sa moral values.
Ang Kap's Amazing Stories, na nag-umpisa noong August 2007 at nagwakas noong July 2014, ang huling show ni Bong sa GMA-7.
Consistent top-rater ang Kap's Amazing Stories dahil mataas pa rin ang ratings nito, kahit nasangkot si Bong sa PDAF scam.
Surprisingly, humataw pa rin sa ratings ang reruns o replays ng Kap's Amazing Stories sa unang buwan ng pagkakakulong ni Bong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.
Tuluyan nang kinansela ng GMA-7 management ang show ni Bong noong July 6, 2014 pagkatapos ng pitong taong pamamayagpag sa telebisyon.