Ruru Madrid, muntik nang masagasaan ni Bianca Umali dahil sa selos?

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2019
Marami ang nakasaksi sa insidenteng nangyari sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng premiere ng pelikulang Cara X Jagger, kung saan sangkot sina Bianca Umali, Ruru Madrid, at Jasmine Curtis Smith.
PHOTO/S: Instagram

Itinulak si Ruru Madrid saka pinaharurot ni Bianca Umali ang minamanehong sasakyan kaya muntik nang masagasaan ang aktor.

Ito ang kuwento ng mga eyewitness sa insidenteng nangyari sa parking lot ng SM Megamall kagabi, November 5, 2019.

Nangyari umano ang insidente pagkatapos ng red-carpet premiere ng Cara X Jagger, ang pelikula ng APT Entertainment at Cignal Entertainment na pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.

Matinding selos ang pinaghihinalaang dahilan kaya nagawa ni Bianca ang hindi inaasahang eksena.

Diumano, dati nang pinagseselosan ni Bianca si Jasmine dahil vocal si Ruru sa pagsasabing crush nito ang leading lady niya sa Cara X Jagger.

Ito ay sa kabila ng hindi pa inaamin nina Ruru at Bianca ang kanilang relasyon, habang si Jasmine naman ay very vocal sa relasyon nila ng boyfriend na si Jeff Ortega.

Ayon sa isang eyewitness, dumalo si Bianca sa premiere night ng Cara X Jagger bilang suporta kay Ruru, pero nauna siyang lumabas mula sa loob ng sinehan.

Continue reading below ↓

Ang akala ng lahat, umuwi na si Bianca kaya nagulat sila nang biglang lumitaw ang aktres sa parking lot.

Sinilip daw ni Bianca ang loob ng sasakyan ni Ruru para makita kung sino ang mga kasama ng kanyang boyfriend.

Lahad ng eyewitness sa Cabinet Files: "Sina Jasmine, Direk Ice Idanan, at may dalawa pang kasama si Ruru sa sasakyan.

"Nasa unahan si Ruru at nagsisiksikan sa likuran si Jasmine at ang ibang kasama nila.

"Pupunta sila sa after-party ng Cara X Jagger.

"Biglang dumating si Bianca, sumilip sa bintana ng sasakyan at sarcastic na nagsabi ng 'Congrats, ha?' sabay talilis pabalik sa kanyang kotse.

"Bumaba si Ruru mula sa sasakyan, sinundan niya si Bianca.

"Pero nang buksan nito ang kotse, itinulak niya si Ruru saka pinaandar ang sasakyan.

"Muntik nang masagasaan si Ruru."

Marami ang nakasaksi sa pangyayari, kabilang ang ama ni Ruru na si Bong Madrid na mahigpit na niyakap ang anak at napaiyak sa sobrang sama ng loob dahil sa naging trato ni Bianca sa young actor.

Continue reading below ↓

Reportedly, nangangamba nang husto si Bianca dahil baka lumabas ang balitang mahirap ilihim dahil marami ang nakasaksi.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Bianca tungkol sa insidente, na posibleng maging mitsa ng paghihiwalay nila ni Ruru dahil masyadong nasaktan ang mga magulang ng aktor sa ginawa niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nakasaksi sa insidenteng nangyari sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng premiere ng pelikulang Cara X Jagger, kung saan sangkot sina Bianca Umali, Ruru Madrid, at Jasmine Curtis Smith.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results