Male celebrities, nag-basketball for a cause sa Cavite

For the benefit of Mindanao quake victims ang palarong basketball sa Kawit, Cavite.
by Jojo Gabinete
Nov 10, 2019
Kahit mga halos wala pang tulog ang iba sa kanila, dumiretso ang inimbitang male celebrities sa Kawit, Cavite, para sa basketball for a cause ni Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo (pang-anim mula sa kaliwa). Kasama ni Mayor Aguinaldo sa larawan sina (mula kaliwa) Marco Gumabao, Ervic Vijandre, Van Ong, Jason Abalos, Onyok Velasco, Gab Lagman, Mark Herras, Axel Torres, JM Canillas, at Joseph Marco.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi lamang ang Metro Manila celebrity mayors na sina Vico Sotto ng Pasig City at Isko Moreno ng City of Manila ang nagbigay ng donasyon para sa mga kababayan natin sa Mindanao na nasalanta ng magkakasunod na malakas na lindol.

Magbibigay ng P1 million donation sa Mindanao quake victims ang mga mamamayan ng Kawit, Cavite, sa pangunguna ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo na binansagan na Millennial Mayor.

Sinuportahan ng mga aktor ang magandang layunin ni Mayor Aguinaldo at ng Kawit residents sa pamamagitan ng pagsali nila sa 1st Aguinaldo Cup exhibition basketball game na ginanap kahapong umaga ng Sabado, November 9, 2019, sa Tangulan Arena ng Kawit Municipal Hall.

Nang malaman na para sa good cause ang Aguinaldo Cup exhibition basketball game, tinanggap agad nina Marco Gumabao, Gab Lagman, Mark Herras, Juancho Trivino, Jason Abalos, Axel Torres, Van Ong, Onyok Velasco, JM Canillas, Ervic Vijandre, at Joseph Marco ang imbitasyon ni Mayor Aguinaldo na maglaro sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa tulong ninyo, magiging successful ang event na ’to para yung proceeds nito, maitutulong natin sa mga kapatid natin na quake victims sa Mindanao,” ang mensahe ni Mayor Aguinaldo sa mga artista na nakiisa sa kanyang advocacy.

Sinabi ni Mayor Aguinaldo na exhibition basketball game ang naisip niya dahil mahihilig ang mga Pilipino sa naturang sport.

Nanggaling pa sina Joseph, Mark, at Ervic sa taping at mula rito, dumiretso na ang tatlo sa Kawit para maglaro ng basketball kaya pare-pareho sila na kulang sa tulog.

“Nagkataon na wala akong schedule so we’re happy to help and participate sa event,” ang sabi ni Marco.

“Hindi naman po ako busy ngayon, I’m not really doing anything. Basketball is my favorite sport and I’ve been playing for a long time and I’m glad, makakatulong po kami sa mga taga-Mindanao. We will raise money for this,” ang pahayag naman ni Gab.

Ang Kawit All Stars, ang basketball team ng Kawit, Cavite, ang nakatunggali ng celebrity basketball players sa Aguinaldo Cup.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pukpukan ang labanan ng magkabilang panig at sa huli, ang Kawit All Stars ang nanalo ng Aguinaldo Cup pero isang puntos lang ang lamang nila (85-84) sa celebrity team.

“We won by a point after trailing by 14 points. That could be a nice news about it but we actually lost by a point after getting back to the game from a deficit of as much as 14 points.

“Thirty seconds, scores tied but the referee called a technical foul for an exhibition game. That gave the Kawit basketball team two free shots plus ball possession. We were much more intense questioning the call kasi it caused us the game but it was a fun charity event,” ang natatawa na reaksyon ni Ervic tungkol sa pagkatalo ng team nila sa 1st Aguinaldo Cup.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit mga halos wala pang tulog ang iba sa kanila, dumiretso ang inimbitang male celebrities sa Kawit, Cavite, para sa basketball for a cause ni Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo (pang-anim mula sa kaliwa). Kasama ni Mayor Aguinaldo sa larawan sina (mula kaliwa) Marco Gumabao, Ervic Vijandre, Van Ong, Jason Abalos, Onyok Velasco, Gab Lagman, Mark Herras, Axel Torres, JM Canillas, at Joseph Marco.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results