Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Axel Torres, nagsalita na tungkol sa video scandal na kinasangkutan

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2019
“Saka kung may gagawin ka na isang bagay, pag-isipan mo ng once, twice, thrice, four times kasi after mo nagawa yun, hindi mo na maibabalik," sabi ni Axel Torres tungkol sa video scandal na kinasangkutan noon.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Natapos na ang kontrata ng former PBB housemate at basketball player na si Axel Torres sa talent management agency na namamahala sa showbiz career niya pero may mga pinaplano siya para magpatuloy ang kanyang acting profession na napamahal na sa kanya.

Muling binalikan ni Axel ang pag-uumpisa niya sa showbiz nang makausap siya ng Cabinet Files sa 1st Aguinaldo Cup, ang exhibition basketball game at fund raiser ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo para sa Mindanao quake victims.

“Paglabas ko noon sa PBB, binigyan agad ako ng big role, ang Hawak Kamay na love team kami ni Sofia Andres.

“Wala akong masyadong acting, naging stiff ako, hindi ako nakapag-workshop pero dahil mainit ako sa PBB, binigyan talaga ako ng project which is thankful ako that time.

“Pero sana lang, napag-isipan ko rin or nabigyan ako ng chance na makapag-workshop para at least, mas naintindihan ko yung acting.

“Ang challenge ko is yung waiting. Mahirap mag-antay, e. Hindi mo alam kung kailan darating yung trabaho 'tapos puwede ka nilang tanggalin agad... Kailangan, mag-ipon ka talaga,” ang pahayag ni Axel tungkol sa mga realization niya nang maging artista siya.

Continue reading below ↓

Kabilang si Axel sa mga aktor na naglaro sa exhibition basketball game na nadagdagan ng kabuluhan dahil sa kauna-unahan na pagkakataon, nagsalita siya tungkol sa video scandal na kinasangkutan niya, tatlong taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Nagkaroon na rin ako ng issues before and siyempre, dahil kilala ka 'tapos ganyan, tumawag ako kay Vice [Ganda] para humingi ng advice.

“Sabi naman niya, 'Good or bad publicity is still publicity,'” ang sabi ni Axel na hindi itinanggi na nasaktan siya sa nangyari.

“Madali akong masaktan, masasaktan ako pero after awhile, ma-o-overcome ko siya. Dadamdamin ko 'tapos ilalabas ko siya sa ibang bagay like basketball. After nun, wala na, iisipin ko na lang, okey lang yan, malalampasan ko yan."

Yung controversy na tinutukoy mo, paano mo nalampasan? ang tanong namin kay Axel.

“Wala lang, nakikipag-usap sa friends 'tapos dinedma ko lang. Sabi nila, 'Dedmahin mo lang kasi mamamatay yan, mawawala rin ‘yan. Mainit ngayon kasi bago.'”

Continue reading below ↓

Ano ang lesson ang natutunan mo?

“Ang lesson is, ingat ka lang sa lahat ng gagawin mo. Ingat ka lang, lalo na yung mga technologies ngayon, hindi natin alam kung ano ang inaabot niyan.

“Saka kung may gagawin ka na isang bagay, pag-isipan mo ng once, twice, thrice, four times kasi after mo nagawa yun, hindi mo na maibabalik. Kumbaga, memory na yun pero hindi mo na maibabalik.”

Nakiayon si Axel sa aming opinyon na biktima siya dahil hindi naman niya ginusto na masangkot sa isang kontrobersyal na isyu.

“Biktima ako doon pero okey lang… I mean, wala na sa akin yun."

Isipin mo na lang, hindi lang ikaw ang nagdaan sa ganoon, marami rin ang naging biktima ang payo namin kay Axel na sinagot nito ng, “Yun nga, e. Kaya ingat talaga.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Saka kung may gagawin ka na isang bagay, pag-isipan mo ng once, twice, thrice, four times kasi after mo nagawa yun, hindi mo na maibabalik," sabi ni Axel Torres tungkol sa video scandal na kinasangkutan noon.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results