Joem Bascon, humugot mula sa real-life experience para sa pelikulang The Annulment?

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2019
Joem Bascon (right) and Lovi Poe (left) star in The Annulment movie, which will have a red-carpet premiere on Monday, November 11, at SM Megamall Cinema 7.
PHOTO/S: Jet Hitosis

Sinabi ni Joem Bascon sa presscon ng The Annulment na kailangan nang mag-file ng annulment kapag hindi na talaga nagkakasundo ang dalawang taong kasal para hindi na magkasakitan pa.

“Kapag pinilit niyo, baka mas lalo kayong masaktan at mas lalong mawala ang respeto ninyo para sa isa’t isa.

"After the annulment, hindi pa naman tapos ang buhay ng dalawang tao na ‘yon.

“Yun ang gusto naming ipakita sa The Annulment. Hindi lang sa inyong dalawa yung mundo.

“You really have to go separately para mag-mature kayong dalawa and for you to fix or find yourself para maging okey kayo with each other in the future, kung sakaling magkita kayo uli,” ang pahayag at paniniwala ni Joem tungkol sa annulment na ibinahagi niya sa presscon ng pelikula nila ni Lovi.

Sa tunay na buhay, naranasan na ni Joem na makipagrelasyon sa isang babae na nag-file ng annulment.

Si Meryll Soriano ang babae na aming tinutukoy dahil naging girlfriend siya ni Joem noong 2009, pero nagwakas ang kanilang relasyon noong 2010.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang love affair nina Joem at Meryll sa set ng I Love Betty La Fea, ang prime time series ng ABS-CBN noong 2008.

At the time, hindi pa annulled ang kasal ni Meryll kay Bernard Palanca.

Nagpakasal sina Meryll at Bernard noong September 8, 2006 sa San Juan City, pero makalipas ang limang buwan, naghiwalay sila dahil sa irreconcilable differences.

Nag-file si Meryll ng annulment noong 2011 at naaprubahan ito noong 2015.

Hindi lamang si Meryll ang showbiz personality na nagpa-annul ng kasal dahil nangyari rin ito kina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, Kris Aquino at James Yap, Martin Nievera at Pops Fernandez, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, Vic Sotto at Dina Bonnevie, at Carmina Villarroel at Rustom Padilla.

Kadalasan, psychological incapacity ang grounds kaya ipinagkakaloob ng korte ang annulment na hinihiling ng magkabilang-panig.

Base sa annulment records nina Pops at Martin, Vic at Dina, at Carmina at Rustom, psychological incapacity ang mga rason ng pagpapawalang-bisa ng korte sa kanilang mga kasal.

Continue reading below ↓

Inspired ng mga tunay na pangyayari ang kuwento ng pelikula nina Joem at Lovi kaya tiyak na makaka-relate ang mga nabanggit na showbiz personality kung panonoorin nila ang The Annulment na magkakaroon ng red-carpet premiere sa SM Megamall Cinema 7 bukas, November 11.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon (right) and Lovi Poe (left) star in The Annulment movie, which will have a red-carpet premiere on Monday, November 11, at SM Megamall Cinema 7.
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results