PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi Poe, napa-"Oh my God!" sa erotic love scenes nila ni Joem Bascon

Lovi Poe at Joem Bascon, "hayok" sa kanilang love scenes sa The Annulment.
by Jojo Gabinete
Published Nov 12, 2019
Ang salitang "hayok" ang tanging salitang pumasok sa aming isip para i-describe ang maiinit na eksena nina Lovi Poe at Joem Bascon sa The Annulment.
PHOTO/S: Regal Entertainment Instagram

Ang mga love scene nina Lovi Poe at Joem Bascon ang isa sa mga pinaka-erotic na ginawa ng direktor na si MacArthur Alejandre at mapapanood sa isang Tagalog movie.

Dahil sobrang erotic ng love scenes ng lead stars ng The Annulment, napasigaw ang mga nanood sa premiere ng pelikula na naganap sa Cinema 7 ng SM Megamall kagabi, November 11.

Nangibabaw rin ang “Oh my God!” reaction ni Lovi habang nanonood dahil parang nagulat din siya sa lovemaking scene nila ni Joem.

Ang salitang "hayok" ang tanging salitang pumasok sa aming isip para i-describe ang maiinit na eksena nina Lovi at Joem dahil hayok na hayok sila sa isa’t isa sa kanilang love scene na naglalagablab, pero matino at disenteng-disente ang execution ni Alejandre.

Maliban sa dalawang beses na butt exposure ni Joem, walang anumang maselan na bahagi ng katawan ni Lovi ang nakita kaya walang puwedeng mag-akusa na exploited siya sa love scenes nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang maiinit na eksena nina Lovi at Joem ang nagmarka sa isip ng mga dumalo sa premiere night ng The Annulment.

Bukod sa mahuhusay na pagganap ng mga artista, maganda ang kuwento ng pelikula na tumatalakay tungkol sa mga problemang pinagdaraanan ng mga mag-asawang humahantong sa kanilang paghihiwalay.

Inspired ng mga true story ang plot ng The Annulment dahil sa tunay na buhay, naranasan ng dalawang aktres ang mapaiyak nang ipagkaloob ng korte ang hiniling nilang pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal.

Napaluha ang mga aktres na aming tinutukoy dahil kahit masaya sila sa naging desisyon ng korte, nakaramdam ang dalawa ng matinding kalungkutan dahil tulad ng kapirasong papel ng marriage contract, ang kopya ng certification of finality na hawak nila ang validation na nagwakas na talaga ang kanilang relasyon sa mga aktor na pinakasalan nila.

May ganitong eksena sina Joem at Lovi sa pelikula ng Regal Entertainment, Inc.

Ang The Annulment ang maituturing na comeback movie ni Alejandre dahil sa tatlong pelikula na kanyang ginawa (The Annulment, Kaputol, at Tagpuan), ang Lovi-Joem starrer ang mauunang ipalabas sa mga sinehan dahil bukas, November 13, ang playdate nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong active na muli siya sa paggawa ng pelikula at positive ang reviews at mga feedback sa The Annulment, may dahilan talaga si Alejandre para gamitin na ang kanyang tunay na pangalan na MacArthur.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang salitang "hayok" ang tanging salitang pumasok sa aming isip para i-describe ang maiinit na eksena nina Lovi Poe at Joem Bascon sa The Annulment.
PHOTO/S: Regal Entertainment Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results