PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marissa del Mar, nagbalik-tanaw sa panahong inakusahan siyang "trying hard"

Marissa del Mar, ginawang inspirasyon ang mga naranasang hirap para magsumikap.
by Jojo Gabinete
Published Nov 16, 2019
Marissa del Mar: "I’m very happy dahil the Lord has given so much blessings, so much love and care for me and my family. It’s priceless. Whatever I give now, yun ay talagang pinagpawisan ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Binalikan ng former actress-turned TV host-turned philantrophist na si Marissa del Mar ang kanyang buhay noon bilang artista nang makausap siya ng Cabinet Files sa opening ng Chanti Gem, ang jewelry store niya sa second floor ng Ayala Malls, Manila Bay, Parañaque City.

Ikinuwento ni Marissa na naranasan niya noong maging biktima ng pang-iintriga ng mga kapwa artista at entertainment writers.

"Hindi naman discrimination ang naranasan ko.

"I love dancing, yung tipong kapag may party, siyempre nagpapakilala ka pa. Yung mga Star Awards, kung ano-anong showbiz events.

"I really love dancing. Kapag nasa dance floor ako, parang iba yung mundo mo, iba yung ginagalawan mo.

"So, dumarating sa punto na lahat sila umuupo na, ako sumasayaw pa rin.

"So there was a time na sabi nila sa akin, ‘Ano ba naman ‘to, parang trying hard,’ pero it’s not.

"I really love sweating it out at yun ang way of destressing ko,” pagbabalik-tanaw ni Marissa noong aktibo pa siya sa movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang mga sexy stars na sumikat at kasabayan noon ni Marissa sa showbiz, pero napariwara ang buhay ng karamihan sa kanila.

Isa si Marissa sa mga maituturing na pinakamatagumpay dahil ginamit niya ang utak para makabangon mula sa mga pagsubok na naranasan.

"From the early age naman, I was given good roles, leading lady roles, so hindi masyadong hirap sa mga role ang naranasan ko.

"It’s much na hindi pa ganoon kaganda ang simula because I started from scratch.

"From meron kang pera 'tapos nagkasakit ang pamilya mo, nagkaroon ng murder case, lahat nang meron ka, nawala.

"You have to sell it, you have to pawn it para sa hospitalization, so naubos yung meron kami na konti noon."

Ang tinutukoy ni Marissa na "murder" ay ang pagpatay sa kanyang kapatid na pulis.

Patuloy niya, "That was the time I told myself na I won’t let this happen again.

"When I started family life, nagsumikap talaga ako, because I have to take care of my children and family.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung hardwork ko paid off, yun ang importante."

Wala raw bitterness na nararamdaman si Marissa dahil ang malulungkot na karanasan ang ginamit niyang motivation at inspirasyon para umunlad ang kanyang pamumuhay.

Mula sa dinanas na kahirapan, nagtagumpay ang mga negosyo ni Marissa kaya naisip niyang mag-produce ng TV shows para makatulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan.

Kabilang dito ang Up Close and Personal with Marissa del Mar, Iyo Ang Katarungan, Buhay OFW, at ngayon, ang World Class Kababayan, ang public service program na napapanood tuwing Sabado sa GMA News TV.

"I’m very happy dahil the Lord has given so much blessings, so much love and care for me and my family. It’s priceless.

"Whatever I give now, yun ay talagang pinagpawisan ko.

"I think, God has given me so much good blessings para I can help more people.

"He’s giving me the chance and the means to make good yung promise ko sa Kanya na I will help a lot of people as long as I can.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang your right hand is to serve at ang left hand is to love."

Postscript: Nang dumanas siya ng hirap dahil nagkaroon ng sakit ang ilang miyembro ng kanyang pamilya at pinatay ang kapatid niya na pulis, napilitan si Marissa na isangla ang mga alahas na naipundar noong active pa siya sa showbiz.

Ngayon, jewelry store owner na si Marissa at ang mga pinakamahal na alahas ang mabibili sa Chanti Gem.

By request ang private viewing sa mga alahas na hindi natin iisiping meron sa Pilipinas dahil milyong piso ang mga halaga.

Read Next
Read More Stories About
Marissa del Mar, showbiz moms
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marissa del Mar: "I’m very happy dahil the Lord has given so much blessings, so much love and care for me and my family. It’s priceless. Whatever I give now, yun ay talagang pinagpawisan ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results