Bea Alonzo, naka-move on na sa breakup nila ni Gerald Anderson

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2019
Bea Alonzo: "Na-realize ko, ang dami palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa."
PHOTO/S: Noel Orsal

Bago nag-umpisa ang presscon para sa pelikulang Unbreakable ngayong Miyerkules ng hapon, November 20, pinaalalahanan ang entertainment writers na iwasan na magtanong tungkol sa mga personal na isyu ng mga bida na artista ng pelikula—sina Angelica Panganiban, Richard Gutierrez, at Bea Alonzo.

Sa kabila ng paalaala, nakalusot pa rin ang tanong kay Bea tungkol sa ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Pero imbes na umiwas, sinagot ng aktres ang obserbasyong tila hindi siya apektado ng highly-publicized breakup nila na halos isang buwang pinagpistahan ng publiko.

Sabi ni Bea, "Tapos na ako doon, okey na ako.

"Saka sobrang dami ng blessings na dumating. Parang nag-360 [degrees turn].

"Ang daming dapat kong ipagpasalamat. Na-realize ko, ang dami palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa."

Nang tanungin kung may kapalit na si Gerald sa puso niya, sagot ni Bea, "Wala pa naman po. Parang magpapahinga muna ako. Parang hindi ko pa kaya."

Continue reading below ↓

Idinagdag ni Bea na hindi naman kailangang magkaroon ng boyfriend para patunayang naka-move on na ang isang babae.

Ang Unbreakable ang second project nina Bea at Richard dahil sila ang magkapareha sa upcoming drama series ng ABS-CBN na may working title na Kahit Minsan Lang.

Pahayag ni Bea, "Napakasuwerte ko kasi hindi lang ito [Unbreakable] yung pagsasamahan namin.

"May ginagawa rin kaming teleserye for Star Creatives, so maganda para sa akin, sa pakiramdam ko, na kasundo ko yung katrabaho ko, so thank you."

Ang Unbreakable ay may playdate na November 27, 2019.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo: "Na-realize ko, ang dami palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results