Raymond Bagatsing, sinagot ang pagkuwestiyon sa kanyang sekswalidad; JC de Vera, may nakatutuwang reaksiyon

by Jojo Gabinete
Nov 22, 2019
Kapansin-pansin ang very curious reaction at taimtim na pakikinig ni JC de Vera (kaliwa) nang sagutin ni Raymond Bagasting (kanan) ang intriguing question tungkol sa kanyang sexual orientation, na puwedeng sagutin ng yes or no pero pinili niya ang mahabang pagpapaliwanag.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sa cast ng Love is Love ng RKB Productions, si JC de Vera ang may cutest reaction habang sinasagot ng kanyang co-star na si Raymond Bagatsing ang straightforward na tanong tungkol sa tunay na sexual preference nito.

Transgender woman ang role ni Raymond sa Love is Love.

Dahil magaling na aktor, effective ang portrayal niya kaya diretsahan ang tanong sa kanya ng isang lady entertainment editor kung straight o gay ba siya.

Ang very curious reaction at taimtim na pakikinig ni JC ang aming napansin nang sagutin ni Raymond ang intriguing question, na puwedeng sagutin ng yes or no pero pinili niya ang mahabang pagpapaliwanag.

Sabi ni Raymond: "I don’t know. Mahirap magsalita nang tapos, e.

"All I know is I appreciate everyone. I appreciate people, human beings, I appreciate love.

"Matagal ko nang tinatanong ‘yan bilang artist, kasi I’m very close to a lot of gay people.

"I’m very close to men, macho alike, intellectuals. I’m very close to a lot of people, girls..."

Continue reading below ↓

Ang Hollywood actor na si James Dean ang isa sa mga hinahangaan ni Raymond kaya nagkuwento siya ng kanyang mga nalaman tungkol sa namayapang movie icon.

"At one point, sabi niya sa best friend niya, 'I have to try to be in a relationship, to go to bed with a man.'

"Sabi niya, 'How can I feel if I’m doing a role as a homosexual? How can I do it?'

"When I saw the documentary, parang ginawa nga niya, but he was a man.

"So, sabi ko, at one point, yung sobrang lalim ng pagpasok ko sa mga karakter, sabi ko, siguro I have to try that also.

"Secret na lang kung anong nangyari, but I dunno... I just know na hindi ko puwedeng i-limit ang sarili ko.

"Kasi ang love has no gender, and that’s the message of this film.

"Ang love, galing sa puso," ang intriguing statement ni Raymond.

Continue reading below ↓

Tanggap din ng aktor na matagal nang pinagdududahan ang gender niya.

"Matagal nang pinagdududahan ang gender ko, ever since I did Ballet Philippines. I danced for more than ballet.

"Ang mga choices ko will always question a man’s man, but I don’t think I can be questioned because I’m also a man’s man.

"I’m a martial artist, I do a lot of macho things, but I also do a lot of feminine things.

"I love art, I love painting, I love writing poetry. These are feminine things.

"So, kapag nagbigay tayo ng kategorya, 'effeminate ‘yan, macho ‘yan,' hindi pupuwede, kasi tayo ipinanganak na may tatay, nanay.

"Ang nanay mo, feminine, lilipat sa 'yo ‘yan, e, kahit lalaki ka.

"Yung love ng nanay mo, mata-transfer sa 'yo ‘yan.

"Ang personality mo ay hindi monotonous, hindi one-sided.

“Yung masculinity ng tatay mo, pupunta sa 'yo ‘yan, so we are... dun pa lang, bipolar na tayo.

Continue reading below ↓

"We are male and female. It’s just so happen na it’s in me.

"In you, you are also the product of your father and mother, so you have masculinity in you.

"The great answer is love is love.

"It cannot be categorized, it cannot be explained no matter how you intellectualize it, no matter how you find a formula na hindi tayo masaktan sa buhay, that’s part of our journey.

"Love is love," malalim na paliwanag ni Raymond, na naramdaman ding masyado nang malalim ang mga pinag-uusapan sa presscon ng kanilang pelikula.

Sa kabila ng makabuluhang pahayag ni Raymond, ang tila curious at confused na reaksiyon ni JC sa mga naririnig nito ang aming napansin.

Incidentally, matapang na tinanong si Raymond tungkol sa kanyang sexual preference na pinagdududahan, pero walang nangahas na magtanong tungkol sa viral video scandal niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapansin-pansin ang very curious reaction at taimtim na pakikinig ni JC de Vera (kaliwa) nang sagutin ni Raymond Bagasting (kanan) ang intriguing question tungkol sa kanyang sexual orientation, na puwedeng sagutin ng yes or no pero pinili niya ang mahabang pagpapaliwanag.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results