Replacement show para sa Sunday PinaSaya, inihahanda na

New GMA-7 Sunday noontime show to feature musical production numbers, comedy skits
by Jojo Gabinete
Nov 23, 2019
Contrary to rumors, GMA-7's Sunday noontime show Sunday PinaSaya will not be replaced by Studio 7, but by an entirely new show set to air on January 2020.
PHOTO/S: Sunday PinaSaya Facebook

Mali ang mga haka-haka na ang Studio 7, ang Saturday night musical variety show ng GMA-7, ang ipapalit sa Sunday PinaSaya, ang Sunday noontime variety show ng APT Entertainment na magwawakas sa December 22, 2019.

Isang bagong show at hindi ang Studio 7 ang replacement sa Sunday PinaSaya na mapapanood simula sa January 2020.

May kantahan at comedy skit ang concept ng bagong programa pero hindi pa inihahayag ng GMA-7 management ang final title.

Mali rin ang mga akala na tatapusin na ang Sunday PinaSaya dahil sa poor ratings. Ang APT Entertainment ang producer ng programa at natapos na ang kontrata nila sa GMA Network Inc. kaya station-produced na ang bagong Sunday noontime show.

Maipagmamalaki ng mga mainstay at production staff ng Sunday PinaSaya na mawawala ang kanilang programa habang mataas ang ratings nito at loaded ng mga commercial.

Ang pantayan o higitan ang achievements ng Sunday PinaSaya ang hamon sa cast at production staff ng bagong programa kaya normal na makaramdam sila ng pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meanwhile, nag-advance taping na ang cast ng Studio 7 ng mga episode, isang indikasyon na magpapahinga na rin ito sa December 2019 dahil kasali sa bagong Sunday noontime show na ilulunsad ang ilan sa mga mainstay ng Saturday night musical variey show ng GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contrary to rumors, GMA-7's Sunday noontime show Sunday PinaSaya will not be replaced by Studio 7, but by an entirely new show set to air on January 2020.
PHOTO/S: Sunday PinaSaya Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results