Ang Binibining Pilipinas 2019 beauties na sina Bea Patricia “Patch” Magtanong (Bb. Pilipinas International), Leren Mae Bautista (Bb. Pilipinas Globe), Vickie Rushton (1st runner-up), Emma Tiglao (Bb.Pilipinas Intercontinental), Ahtisa Manalo (Miss International 2018 1st runner-up), at Miss Asia Pacific 2018 Sharifa Akeel ang featured models sa One Love, One Kawit, ang fashion show na highlight ng four-day expo tourism event na project ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo
Ginanap ang One Love, One Kawit fashion show sa harap ng Aguinaldo Shrine kagabi, November 23.
Ang mga outstanding creation ng Kawitenos fashion designers na sina Jolex H. Remos, Marlon Jay Victa, Jhoemar Jack, at Edmir Laguio ang inirampa ng Binibining Pilipinas beauty queens at ng male models na sina Gab Lagman, Yuki Sakamoto, JM Canillas, Aaron Davis, Kirst Viray, at ng Man of the World 2018 first runner-up na si Clint Karklin.
Nagpasalamat ang mga fashion designer ng Kawit kay Mayor Aguinaldo dahil sa suporta at pagpapahalaga na ibinibigay nito sa local designers.
Natawa ang lahat nang sabihin ni Aguinaldo na maging fashion designer ang pangarap niya noong bata pa siya.
Meanwhile, naging emosyunal si Patch nang patugtugin at awitin ng lahat ang Pambansang Awit nang matapos ang fashion show dahil hindi siya makapaniwalang darating ang panahon na kakantahin niya ang Lupang Hinirang sa mismong harap ng Aguinaldo Shrine.
“It made us so proud to be Filipino. The moment we faced the flag, I kept thinking this was the first time the Philippine flag was raised and where the Philippine independence was announced and that was a little bit emotional for me, standing there where it actually happened,” ani Patch.
Sina Juancho Trivino at Ganiel Krishnan ang mga emcee ng fashion show na nagkaroon ng konting aberya nang mabuwal si Miss Kawit Via Colleen Cruz.
Kasama si Via ng Binibining Pilipinas beauty queens na rumampa at dahil masyadong mataas ang takong ng sapatos na suot, natapakan niya ang laylayan ng kanyang gown.
Malakas na palakpakan ang tinanggap ni Via mula sa audience nang tumayo siya na parang walang nangyari.
May mga kumukumbinsi kay Via na sumali sa national beauty pageants, pero nagdadalawang-isip na siya dahil sa karanasan niya.
“Based po sa na-experience ko today, super exhausting so parang ayoko na siyang i-pursue.
“I really struggled with my heels po, kasama na rin po iyung kaba kaya po once na nakababa ako mula sa stage, nagpalit na po ako ng heels,” ang sabi ni Via, na nagpapasalamat dahil hindi siya nagkaroon ng injury.