Samantha Lo, binawian na ng korona?

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2019
Has Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo been stripped off her crown?
PHOTO/S: Courtesy: Samantha Lo on Facebook

May valid reason kaya wala sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Bb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Saeed sa One Love, One Kawit, ang fashion show na ginanap kagabi, November 23, 2019 sa harap ng Aguinaldo Shrine at isa sa mga project ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo bilang suporta sa local fashion designers ng bayan na nasasakupan niya.

Naghahanda na si Gazini para sa 68th Miss Universe na magaganap sa Atlanta, Georgia, USA sa December 8, 2019 samantalang nakalipad na si Resham sa Poland para sa coronation ng Miss Supranational 2019 na nakatakda sa December 6, 2019.

Bukod kina Gazini at Resham, wala rin sa One Love, One Kawit fashion show ang controversial Bb. Pilipinas Grand International titleholder na si Samantha Lo na na-deport mula sa Paris, France noong nakaraang buwan dahil fake ang Philippine passport niya.

Nagpasintabi muna ang Cabinet Files kina Bb. Pilipinas International 2019 Bea Patricia "Patch" Magtanong, Bb. Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista at Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Mary Tiglao bago namin tinanong ang no-show ni Samantha.

Continue reading below ↓

“Girls, sorry to ask, kumusta na si Samantha Lo?” ang tanong namin sa reigning Bb. Pilipinas queens na napangiti sa kanilang narinig.

“Sorry, we cannot answer. Let’s wait for the Bb. Pilipinas…” ang bitin pero nakangiting sagot ni Tiglao kaya tinanong na lang namin kung saan siya magdiriwang ng Pasko dahil sa December 20 ang coronation sa Egypt ng Miss Intercontinental 2019, ang international beauty pageant na lalahukan niya.

“It depends but my competition will be on December 20, so I hope na maiuwi natin for the Filipinos na mas maganda ang Christmas natin. I will celebrate my birthday there,” ang sabi ni Tiglao na magdiriwang ng ika-25 na kaarawan sa December 8, 2019.

Ang reaksyon at sagot ng reigning Bb. Pilipinas queens ang patunay na may idea na sila kaya hindi nila kasama si Samantha sa Kawit fashion show.

May mga haka-haka na malaki ang posibilidad na binawi na ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang korona at beauty title ni Samantha dahil sa mga pahayag nito laban sa organization nang ma-deport siya mula sa Paris, France.

Continue reading below ↓

Napilitan ang BPCI na ilahad ang buong katotohanan na fake ang Philippine passport ni Samantha dahil sa mabigat na paratang nito na hindi siya nakatanggap ng suporta mula sa organizers ng Bb. Pilipinas. Ipinagtapat ng BPCI na inamin ng mga magulang ni Samantha na nanggaling sa isang fixer ang Philippine passport, na naging mitsa para ma-deport ang anak nila.

Natuloy ang pagsali ni Samantha sa Miss Grand International na ginanap sa Venezuela noong October 25, 2019 pero natalo siya. Lumipad si Samantha sa Venezuela ng walang clearance mula sa BPCI.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Has Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo been stripped off her crown?
PHOTO/S: Courtesy: Samantha Lo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results