PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles, inaming di sinabi sa kanila ang dahilan ng pagwawakas ng Sunday PinaSaya

Jerald Napoles: "As long as we’re airing, we’re still the number one Sunday noontime show."
by Jojo Gabinete
Published Nov 26, 2019 | Updated Nov 26, 2019
Jerald Napoles on Sunday PinaSaya: "As long as we’re airing, we’re still the number one Sunday noontime show."
PHOTO/S: Noel Orsal

Walang kinalaman ang kanyang girlfriend na si Kim Molina sa desisyon ni Jerald Napoles na lumipat sa Viva Artists Agency (VAA).

Ito ang ginawang paglilinaw ni Jerald sa contract signing niya na naganap sa Viva office boardroom nitong Lunes, November 25.

Supposedly, noong nakaraang linggo pa sana nangyari ang contract signing ni Jerald.

Pero hiniling niya sa VAA na bigyan siya ng sapat na panahon para makapagpaalam nang personal sa executives ng Triple A Management, ang talent management agency na dating namamahala sa showbiz career niya.

Unang natanggap ni Jerald ang offer ng VAA na i-manage ang kanyang career bago niya nalaman ang malungkot na balitang matatapos na ang Sunday PinaSaya, ang comedy-variety show ng APT Entertainment na napapanood tuwing Linggo sa GMA-7.

Ayon kay Jerald, nagkataon lang na lumipat siya sa VAA bago magpaalam sa ere ang Sunday PinaSaya, na apat na taon nang napapanood sa telebisyon.

"May mga nag-iyakan, siyempre yung mga babaeng artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi po, ang Sunday PinaSaya, the first two years po nito, sampu lang kami.

"So, sa dalawang taon, kung sampu lang kayo na nagkikita-kita, including the senior actresses and icons na nandoroon and actors, nabuo po siya na parang isang buong pamilya.

"May nanay, may tatay, may tito, may kuya, may bunso," kuwento ni Jerald tungkol sa reaksiyon ng kanyang co-stars nang sabihin sa kanila ang malungkot na balita.

Patuloy niya, "Nung nasabi po na mawawala na, it has been four years na nadagdagan ng kahit papaano, 'tapos naging...

"Yung trabaho po namin doon, bukod sa masaya, hindi naman naglalaro lang, pero hindi kami makapag-start kapag wala yung isa.

"May mga ganoon kami. Hindi kami yung papasok lang para mag-taping. So, maraming nalungkot.

"And also yung ginawa ni Chairman Tony Tuviera for the show.

"Siya rin po kasi, e, hands on po sa pakikipag-bond sa amin, sa cast, even sa staff.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kilala rin po naman si Chairman na ganoon so we’re sad also for the company."

Nang tanungin ang tunay na dahilan ng nalalapit na pagpapaalam sa telebisyon ng Sunday PinaSaya, ito ang sagot ni Jerald:

"Hindi na po nila nasabi sa amin.

"We were just informed that we have a few episodes left so let’s do our best.

"As long as we’re airing, we’re still the number one Sunday noontime show."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on Sunday PinaSaya: "As long as we’re airing, we’re still the number one Sunday noontime show."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results