Boy Abunda, ikinuwento ang pagkakaiba nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray

Ano ang masasabi ni Boy Abunda na pagkakaiba nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray?
by Jojo Gabinete
Nov 30, 2019
Inusisa si Boy Abunda (gitna) tungkol sa pagkakaiba nina dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach (kaliwa) at current Miss Universe na si Catriona Gray (kanan). Si Boy ay naging question-and-answer coach nina Pia at Catriona nung nagte-training pa lang ang mga ito para sa kanilang kumpetisyon noon sa Miss Universe.
PHOTO/S: Left: @piawurtzbach, Instagram / Center: Jojo Gabinete / Right: @catriona_gray, Instagram

Hindi lamang ang pagiging spokesperson ni Dr. Eugenio “ Boy” Abunda ang napag-usapan sa contract signing niya kahapon, November 29, bilang Level-UP Ambassador ng AMA Online Education post-graduate courses, dahil nabanggit din ang kanyang mga kontribusyon sa mga kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe.

Si Boy ang coach sa question and answer training ng mga kandidata natin na ipinadadala sa Miss Universe at malaki ang kinalaman niya sa mahusay na pagsagot ng Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Si Boy ang question and answer coach nina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at reigning Bb. Pilipinas Intercontinental Emma Tiglao.

Nang tanungin tungkol sa tsansa ni Gazini sa 68th Miss Universe na magaganap sa Atlanta, Georgia, U.S.A. sa December 8, 2019, “Palaban siya!” ang sagot ni Boy.

Ikinuwento rin ni Boy ang pagiging cowboy ni Gazini na sumakay ng Angkas o motorsiklo para hindi ma-late sa training session nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang usisain tungkol sa pagkakaiba ng mga beauty queen na tinuruan niya ng wastong pagsasalita at pagsagot sa mga tanong, “Iba-iba,” ang sagot ni Boy.

“Pia is very street smart. Mabilis. Catriona is intelligent.

"With Pia, she’s very persistent, very very persistent. She wanted to learn, she didn’t wanna stop training.

“Si Catriona, all she needed because she had another training, Catriona needed to edit, kasi di ba, ang lawak ng kaalaman…

“Si Gazini is a learner. She is a student pero malaman.

"The thing I tell them is … yung katalinuhan, hindi mo mame-measure sa mga beauty contest. It’s difficult to stand on a stage and you’re being judged by millions of people. It’s a scary environment.

“Si Gazini… I tell them sound right and end strong because you will not always be in control of what you want to say. Pero sa mga international contest, importante na nagbabasa sila ng mga bagay-bagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero importante yung tunog-tama ka at maganda yung pagka-thank you,” ang pahayag ni Boy tungkol sa magkakaibang personalidad nina Pia, Catriona, at Gazini.

Nabanggit ni Boy ang isang anekdota tungkol kay Catriona, na mula sa American poet na si Maya Angelou ang isang bahagi ng speech ng reigning Miss Universe sa 67th Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong December 17, 2019.

“What a memory! You know yung first line na…I mean in retrospect, yung kanyang 'I came as one, but I stand as a 104 million Filipinos' comes from a Maya Angelou line that says 'I come as one but I stand as ten thousand.' Ganoong kagaling si Catriona.

"Pinaraphrase niya and used a hundred four million Filipinos. That was the line I shared with her in one of our classes.”

Mula sa Maya Angelou poem na Our Grandmothers ang linya na tinutukoy ni Boy na ginamit ni Catriona nang lumaban ito sa Miss Universe noong December 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Raise your flag because I stand here not as one, but as 104 million Filipinos,” ang eksaktong salita ni Catriona na inspired at kinopya niya mula sa tula ni Maya Angelou.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inusisa si Boy Abunda (gitna) tungkol sa pagkakaiba nina dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach (kaliwa) at current Miss Universe na si Catriona Gray (kanan). Si Boy ay naging question-and-answer coach nina Pia at Catriona nung nagte-training pa lang ang mga ito para sa kanilang kumpetisyon noon sa Miss Universe.
PHOTO/S: Left: @piawurtzbach, Instagram / Center: Jojo Gabinete / Right: @catriona_gray, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results