PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Renz Fernandez nagpatubo ng bigote para sa Descendants of the Sun, pero...

Renz Fernandez, memorable ang pagti-taping ng Descendants of the Sun.
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2019
Bago nagsimula ang taping ng kanyang mga eksena sa Descendants of the Sun, naisip ni Renz Fernandez na magpatubo ng bigote at balbas bilang homage kay Rudy Fernandez, ang ama niyang pumanaw noong June 7, 2008.
PHOTO/S: Renz Fernandez Instagram

May memorable experience si Renz Fernandez sa taping ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Isang doktor na may pangalang Dr. Earl Jimeno ang karakter ni Renz sa upcoming primetime series ng GMA-7.

Bago nagsimula ang taping ng kanyang mga eksena, naisip ni Renz na magpatubo ng bigote at balbas bilang homage kay Rudy Fernandez, ang ama niyang pumanaw noong June 7, 2008.

Hindi lamang si Renz ang nagpatubo ng balbas at bigote dahil ganito rin ang ginawa ng kanyang Descendants of the Sun co-star na si Andre Paras.

Isang araw matapos kunan ang kanilang mga eksena, sinabihan sina Renz at Andre na mag-ahit ng balbas at bigote para sa retake dahil mas bagay na clean cut ang mga karakter na ginagampanan nila.

Bukod sa nasabing anecdote, memorable kay Renz ang kabutihan ng kanyang fellow actors at production staff ng bagong show niya sa Kapuso Network.

Ang Philippine version ng Descendants of the Sun ang itinuturing ni Renz na isa sa mga big-budgeted assignment niya sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki ni Renz ang malalaking eksena ng Descendants of the Sun na kinukunan sa malalayong lugar ng Nueva Ecija at Tanay, Rizal.

Ito ang dahilan kaya madaling-araw pa lang, umaalis na siya sa bahay nila sa Quezon City sa tuwing may taping.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago nagsimula ang taping ng kanyang mga eksena sa Descendants of the Sun, naisip ni Renz Fernandez na magpatubo ng bigote at balbas bilang homage kay Rudy Fernandez, ang ama niyang pumanaw noong June 7, 2008.
PHOTO/S: Renz Fernandez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results