PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Prince Stefan, "pinakabaklang-bakla" na nakilala ni Louise delos Reyes

Louise delos Reyes: "Oh my God, siya ang pinakabaklang-bakla na nakilala ko na bakla,”
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2019
Louise delos Reyes on Prince Stefan: "Oh my God, siya ang pinakabaklang-bakla na nakilala ko na bakla."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

"Recovering from a surgery" ang explanation ni Louise delos Reyes tungkol sa no-show ni Prince Stefan sa presscon ng My Bakit List, ang pelikula nilang mapapanood sa mga sinehan simula sa December 11, 2019.

May mga entertainment writer na nanghinayang sa hindi pagsipot ni Prince dahil hindi ito nawawalan ng mga kuwento at controversial issue na kinasasangkutan.

Sa My Bakit List, matalik na magkaibigan ang mga karakter nina Louise at Prince.

Pero naging close ang dalawa sa tunay na buhay dahil sa kanilang matagal na pagsasama sa Ilocos Norte para sa shooting ng pelikula nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oh my God, siya ang pinakabaklang-bakla na nakilala ko na bakla,” ang reaksiyon ni Louise tungkol sa ugali ni Prince na nadiskubre niya.

"Sabi ko, 'Alam ko na bakla ka, pero bakit ang bakla-bakla mo?'"

Naabutan ni Louise si Stefan sa GMA-7 noong kapwa contract stars pa sila ng Kapuso network at hindi pa naglaladlad ang aktor.

"Yung kabaklaan niya, parang ang hirap i-contain.

"Seryoso, walang panama sa kanya ang mga bakla sa parlor sa sobrang kabaklaan niya.

"Ang landi niya! Hindi kayang i-contain,” ani Louise.

Hindi pa raw nararanasan ni Louise na magkaroon ng manliligaw o leading man na pilit na inililihim ang pagiging bakla.

"Wala pa naman o baka mahina lang ang gaydar ko.

"Sa panahon ngayon, kahit straight na lalaki, sinasabihan ka ng ‘bes’ or sinasabihan ka ng ‘day’ or ‘mars,’ so mahirap na.

"Once na pumunta ka ng taping set, kahit nga cameraman, 'beshie.'"

Sa kabila ng kabaklaan na ipinakikita ni Prince, napansin ni Louise na may mga pagkakataong lumilitaw ang pagiging lalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag nagsasalita siya, minsan, nawawala ang gay twang niya.

"Or kapag tumatayo siya,sabi ko, huwag kang magsalita, mukha kang lalaki,” kuwento ni Louise.

Sumagot ang aktres ng “hindi ko alam” nang tanungin tungkol sa posibilidad na ma-in love siya sa bakla.

"Parang kapatid ko sila, e. Parang magiging incest.

"Saka hindi possible yun dahil taken na ako," sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise delos Reyes on Prince Stefan: "Oh my God, siya ang pinakabaklang-bakla na nakilala ko na bakla."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results