Ricky Reyes, tinawag na "ilusyonada" ang gays na naniniwala sa same-sex marriage

by Jojo Gabinete
Dec 6, 2019
Gay icon Ricky Reyes, bukas sa pagsasabing hindi siya naniniwala sa same-sex marriage.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hindi nagtaka ang beauty guru at philantrophist na si Ricky Reyes nang mag-trending ang kanyang pahayag na gilingin man ang mga bakla, baklang hamburger pa rin.

Pati na ang sinabi niyang kung gusto ng mga bakla ng respeto, huwag silang magsuot ng bestida.

Kasagsagan nang pagtalakay sa lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) issues noong September 2019 nang pakawalan niya ang mainit niyang pahayag na iyon.

Ayon kay Ricky, naging "honest" lamang siya tungkol sa pagiging "ilusyonada" ng ibang mga bakla, pero malalaki pa rin naman daw ang mga "nota."

"Diretso akong tao. Bakla ako, pero alam ko na bakla ako. It’s because totoo ang sinasabi ko," bungad ni Ricky.

Konserbatibo ang pananaw niya tungkol sa usaping same-sex marriage.

"Sabi nila, magpakasal daw ang mga bakla. Sabi ko, teka muna, ang pagpapakasal para sa babae at sa lalaki 'yan. Huwag nating bastusin ang Catholic Church.

"Sinabi ko naman yung totoo. Kasi ang mga bading, we live in the world of illusion.

Continue reading below ↓

"Paminsan-minsan, tigilan ang pag-iilusyon at maging totoong tao, di ba?"

RICKY'S LONGTIME PARTNER

Bukas si Ricky tungkol sa pagkakaroon niya ng longtime partner, ang businessman na si Cris Aquino.

Tatlong taon na lamang ang kulang para maging limang dekada ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero ni minsan, hindi raw sumagi sa kanilang mga isip ang magpakasal.

"Never. Never," ulit ni Ricky.

Patuloy niya: "I always say, ang ganda-ganda ng samahan namin. Baka kapag nagpakasal, masira pa, huwag na.

"Everything is running smooth, so what’s the use? Okey lang ‘yon, happy na kami.

"Kami, we're very religious people. Ako, I go home every day at 6 p.m. para lang magdasal kami ng rosaryo ng anak ko, ng asawa ko."

Kung marami ang naki-ayon kay Reyes sa opinyon nito tungkol sa mga bakla na nagbibihis-babae, naranasan din niya na makatanggap ng mga batikos.

Pero hindi raw siya apektado.

"Yung mga sumang-ayon sa akin, they’re about four million, at yung bashers ko, wala pa silang 30, so okey lang," ani Ricky.

Continue reading below ↓

Ano ang payo niya sa mga kapwa niya gays?

Dire-diretsong pahayag niya: "Time will come, they will realize kung ano ang totoong buhay.

"Yung buhay ng bakla, sabi ko nga, ilusyon lang 'yan. Mag-ilusyon ka, pero darating ang araw na gigising ka rin.

"Parang ako. Dati, girl na girl ako, ang haba-haba ng buhok ko.

"For the longest time, nagmu-mujer ako. Kada-weekend, nag-a-attend ako ng party.

"Pero dumating ang oras na, 'Teka muna. I have to stop and think about my future.'

"Kaya 'yan ang sinasabi ko, dapat ang mga bakla, magtino, magtrabaho, mag-ipon para sa ating kinabukasan."

ON gays having financial security

Nagbigay rin si Reyes ng payo sa mga bakla na biglang yumaman kaya nagkaroon ng "ilusyon" na mga tunay na babae sila.

"Ang dami ko nang nakita na mga baklang biglang naging milyonaryo, biglang naggagasta, nagbisyo, nag-boyfriend.

"They end up pauper. Pagdating sa dulo, ubod din sila ng hihirap kasi winaldas nila ang pera nila for nothing.

Continue reading below ↓

"Ang pera, parang asawa 'yan. Mahalin natin, itago natin, so it will stay with us.

"Kapag winaldas mo 'yan, walang mangyayari."

Naniniwala raw siya na mahalagang paghandaan ang financial security hanggang sa pagtanda.

"Sabi ko nga, dapat mga bakla, maging masipag, magtrabaho nang magtrabaho, at mag-ipon.

"Kasi, at the end of the day, walang pinakakawawang tao sa mundo kundi ang matandang baklang walang pera.

"Magiging katulong ka lang ng kapatid mo. Taga-alaga, taga-linis...

"Hello! We have a beautiful life. Maaga akong nagising sa katotohanan kasi naging nanay at tatay ako ng mga kapatid ko, ng magulang ko, at the early age of 15, so maaga akong naging responsible sa buhay."

Nakapanayam ng Cabinet Files si Ricky sa inauguration ngayong tanghali, December 6, ng Share the Love in Child Haus Christmas Bazaar, sa second floor ng SM North EDSA sa Quezon City.

CHILD HAUS'S CHRISTMAS BAZAAR

Mabibili sa Christmas Bazaar ng Child Haus ang iba’t-ibang klase ng mga produkto na gawa ng mga nanay ng mga young cancer patient na pansamantalang nanunuluyan at kinakalinga ng Child Haus.

Continue reading below ↓

"Imbes na walang ginagawa yung mga nanay, we made them productive by producing a lot of products like native bags, earrings, shoes, and Christmas decors, which we will sell so they will have income.

"Naipapagamot nila yung mga anak nila sa tulong ng Child Haus, may income pa sila. Yung stay nila sa Child Haus, wala naman bayad.

"Ibinigay ni Hans Sy ng libre itong puwesto na’to. Sabi niya, 'Let’s make the mothers very productive. Bibigyan ko kayo ng puwesto sa SM. I just want them to do some livelihood."

Ipinakita ni Reyes sa Cabinet Files ang mga produkto na affordable ang presyo at gawa ng mga nanay ng mga bata na tinutulungan ng Child Haus.

Mananatili na bukas ang Christmas Bazaar ng Child Haus hanggang sa December 24, 2019.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gay icon Ricky Reyes, bukas sa pagsasabing hindi siya naniniwala sa same-sex marriage.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results