PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach, textmate ang Korean actor na si Ryu Seung Ryong

Aga Muhlach, inimbitahan ang Korean actor na si Ryu Seung Ryong sa premiere ng Miracle In Cell No. 7
by Jojo Gabinete
Published Dec 7, 2019
Aga Muhlach on Korean actor Ryu Seung Ryong: "As a matter of fact, we texted each other. Seriously, we’re kind of in constant communication now."
PHOTO/S: Noel Orsal / Yonhap News

Ang Korean actor na si Ryu Seung Ryong ang bida sa 2013 blockbuster Korean movie na Miracle in Cell No.7.

Nang malaman niyang may Philippine adaptation ang kanyang pelikula, nag-post siya sa Facebook ng “So touched to know that there will be a Philippine remake.”

Ibinahagi rin ni Ryu Seung-ryong sa kanyang Facebook post ang teaser ng remake na pinagbibidahan ni Aga Muhlach at official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi natapos sa Facebook ang koneksiyon ni Ryu Seung Ryong sa Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7.

Sa grand presscon ng pelikula na ginanap sa Tektite Towers auditorium kagabi, December 6, ikinuwento ni Aga na may constant communication sila ng Korean actor na one-year younger lang sa kanya.

Fifty years old sa kasalukuyan si Aga.

"As a matter of fact, we texted each other. Seriously, we’re kind of in constant communication now.

“As a matter of fact, we’re inviting him for the premiere [on December 16 ],” rebelasyon ni Aga tungkol sa na palitan nila ng mga mensahe ni Ryu Seung Ryong.

Binanggit ni Aga ang sinabi ni Ryu Seung Ryong na malaking karangalang maimbitahan ito sa premiere night ng Miracle in Cell No. 7, pero depende ito sa schedule ng Korean actor.

"I even told him, 'You were an inspiration.'

"Kasi yung pelikula niya is not just him or the stars, but yung istorya, father and daughter, hardened criminals, how it changes people, how it changed everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, tamang-tama for the festival.

"Parang sinabi pa niya, 'I’m gonna help promote your film, even in Korea.

"Sabi ko, sana mag-showing kami sa Korea. I think we’ll also show in Korea, I think so. International also,” sabi ni Aga.

CINEMA EXHIBITORS

Bago naganap ang grand presscon ng Miracle in Cell No. 7, nagkaroon muna ito ng special screening sa SM Megamall Cinema na dinaluhan ng mga cinema exhibitor.

Puring-puri ng cinema exhibitors ang performance ni Aga at gandang-ganda sa pelikula.

"It was really overwhelming," reaksiyon ni Aga tungkol sa pagbati at malakas na palakpakan na tinanggap niya mula sa mga exhibitor ng Robinsons, Ayala, SM, at Megaworld cinemas.

Pinaluha kasi sila ng mga eksena sa pelikula, at may mga sariling haka-haka at mga positibong prediksiyon tungkol sa magiging kapalaran ng Miracle in Cell No.7 kapag nagbukas ito sa mga sinehan sa December 25, 2019.

Nakadagdag sa kaligayahan ni Aga ang mga sinasabi ng mga taong nakakasalamuha niya at nagbibitaw ng salita na panonoorin nila ang kanyang pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Itinuturing ni Aga na isang milagro na siya ang napiling bida ng Miracle in Cell No.7.

"Kahit saan ako magpunta, nagkakagulo sila and lagi nilang sinasabi, ‘Panonoorin namin ito, panonoorin namin, panonoorin namin!” masayang-masayang kuwento ni Aga.

VICTORY PARTY

Nang sabihing malaki ang tsansa niyang manalong best actor sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival, "magpapa-party ako" ang mabilis na reaksiyon ni Aga.

“Totoo ito, you see, at my age now, parang kung kailan yung feeling mo na patapos ka na, mas maganda yung mga dumarating.

"Masaya, pero ayokong asahan kasi.

"More than anything, mas masaya ako na maipakita yung pelikula namin na ginawa.

"Gusto ko talagang mapanood nilang lahat yung pelikula, more than anything,” sabi niya.

Nangako si Aga na magkakaroon siya ng victory party kapag napanalunan niya ang MMFF best actor trophy.

May plano si Aga na isama sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival ang kanyang pamilya, ang misis niyang si Charlene Gonzalez, at ang kanilang mga anak na sina Andres at Atasha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasanayan na ng Muhlach family na magdiwang ng Pasko sa ibang bansa.

Pero makalipas ang 12 taon, mababago ang kanilang tradisyon nang dahil sa Miracle in Cell No.7, ang movie project na pinakamamahal at pinakamalapit ngayon sa puso ni Aga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach on Korean actor Ryu Seung Ryong: "As a matter of fact, we texted each other. Seriously, we’re kind of in constant communication now."
PHOTO/S: Noel Orsal / Yonhap News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results