Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gazini Ganados, crowd favorite sa Miss Universe 2019 preliminaries

by Jojo Gabinete
Dec 7, 2019
Kung pagbabasehan ang sigawan at palakpakan sa preliminary competition, malaki ang tsansang manalo ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados.
PHOTO/S: Gazini Ganados Instagram / Jonas Gaffud Instagram

Si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang isa sa favorite candidate sa preliminary competition ng 68th Miss Universe.

Ito ay ayon sa eyewitness na si Doc Gamboa, na personal na nasaksihan ang pagkakagulo ng beauty pageant fans sa pambato ng Pilipinas sa Atlanta Marriott Marquis, Georgia, USA, Biyernes ng gabi, December 6 (Sabado ng umaga, December 7, sa Pilipinas).

Satisfied naman ang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud sa performance ni Gazini sa swimsuit, national costume, at long gown competition.

Ipinagmalaki rin ni Jonas ang Asian delegates mula sa Vietnam, Singapore, at Pilipinas.

Pero pinaka-crucial pa rin para sa kanya ang preliminary interview.

Si Cary Santiago ang creator ng silver Philippine eagle-inspired national costume ni Gazini.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod kay Gazini, crowd favorite din sina Madison Anderson ng Puerto Rico, Cindy Marina ng Albania, at Paweensuda Drouin ng Thailand.

Kung mananalo si Drouin na Miss Universe 2019, siya ang pangatlong Thai beauty queen na mag-uuwi ng karangalan sa kanilang bansa ngayong taon.

Ang kanyang kababayan na si Sireethorn Leearamwat ang reigning Miss International.

Kaninang madaling-araw, si Anntonia Porsild ng Thailand ang kinoronahang Miss Supranational 2019 sa Silesia, Poland.

Ikinuwento ni Doc sa Cabinet Files ang palakasan ng pagsigaw at pagpalakpak ng mga Pilipino at Colombians sa mga kandidata na kanilang sinusuportahan.

Forty percent ang bilang ng mga Pilipino sa audience na sinuportahan si Gazini, pero marami rin ang mga Colombian na nagbigay ng moral support kay Miss Universe Colombia Gabriela Tafur.

Bago nagsimula ang preliminary competition, paulit-ulit ang paalaala sa lahat na hindi puwede ang live streaming via social media ng programa dahil pay per view ito.

Nabalewala ang pakiusap ng Miss Universe Organization dahil online na napanood sa iba’t ibang YouTube channels ang preliminary competition ng prestigious beauty contest.

Continue reading below ↓

Siyamnapu ang official candidates ng 68th Miss Universe.

Sa dami ng mga contestant, may mga nainip at nakaramdam ng antok kaya hindi na nila tinapos ang matagal na presentation.

Ikinuwento ni Doc na maya’t maya ang pag-akyat sa stage ng maintenance personnel para maglinis at magpunas dahil marami sa mga kandidata ang nabuwal at muntik nang madulas.

Sa ika-limang pagkakataon, ang American host na si Steve Harvey ang emcee ng coronation night ng 68th Miss Universe, na live na mapapanood sa ABS-CBN sa Lunes, December 9, 8 A.M.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung pagbabasehan ang sigawan at palakpakan sa preliminary competition, malaki ang tsansang manalo ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados.
PHOTO/S: Gazini Ganados Instagram / Jonas Gaffud Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results