Si Nuel Naval ang direktor ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach pero hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang movie project.
Nagkatrabaho na noon sina Aga at Nuel sa Kailangan Kita, ang 2002 movie ng Star Cinema.
Ang Kailangan Kita ang isa sa mga paborito ni Aga na pelikula niya at si Nuel ang production designer ng proyekto, kaya kumportable na sila sa isa’t isa nang gawin nila ang Miracle in Cell No.7.
“Humble actor” ang description ni Nuel kay Aga dahil sa down-to-earth attitude nito sa shooting ng kanilang pelikula na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.
“Si Aga, napaka-humble niya. As an actor, he’s very giving. Lagi niyang sinasabi sa mga co-actors, ’Hindi ako ang bida dito. Tayong lahat ito.’
“I really appreciate that. Kasi as a director, parang dumadali ang trabaho mo.
“Sasabihin mo lang, i-i-explain mo lang kung saan iyung eksena, saan pupunta, saan galing. Iba-block mo lang and then, lahat sila gumagalaw na,” pahayag ni Nuel.
“It’s really an ensemble. And then technically, I had the good fortune of working with the best director of photography, Anne Monzon.
“I have one of the best production designers, si Elfren Vibar.
“Actually, he’s already a director pero dahil sa pelikulang ito, pinagbigyan niya kami na mag-production design siya especially marami silang pinagdaanan ni Aga,” ang dagdag na impormasyon ni Nuel tungkol sa bagong movie project niya sa Viva Films.
Hindi nakalimutan ni Nuel na pasalamatan ang Viva Films producer na si Boss Vic del Rosario dahil ibinigay nito ang lahat ng hiniling niya para sa shooting ng Miracle in Cell No. 7.
“Very gracious, ang bait ng Viva para ibigay sa akin ito. I was really elated na pinagbigyan ang lahat ng hiningi ko sa pelikulang ito at iyon ang makikita ninyo,” ani Nuel.