PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rep. Alfred Vargas, kabilang sa pararangalan bilang Ten Outstanding Young Men 2019

Rep. Alfred Vargas, may maagang Christmas gift
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2019
Quezon City Representative Alfred Vargas on being chosen as one the Ten Outstanding Young Men in 2019: "I’m very very happy kasi dito tayo sa larangan ng public service nabigyan ng award, at na-feel ko ngayon na nasulit yung mga pinaghirapan ko, yung sakripisyo, yung pagpupuyat, yung kakulangan ng oras sa pamilya, saka sa ibang bagay…"
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang pagpili sa kanya ng Junior Chamber International (JCI) bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardess para sa public service ang isa sa maagang Christmas gift na matatanggap ng aktor at Quezon City District V Representative Alfred Vargas.

Magaganap ang awarding ceremony ng TOYM sa Manila Hotel sa Biyernes, December 13.

Ayon kay Alfred, nagulat siya nang malaman niya ang magandang balita.

"Gulat na gulat ako sa award na ito kasi it’s the most prestigious, it’s the highest award para sa kabataan sa buong Pilipinas.

"Actually, nagulat ako dahil ni-nominate ako ng Quezon City Capitol Jaycees for the TOYM award, and there were 100 of us na na-nominate, na-cut down to 67, 'tapos around 15.

"Finally, they ended up with ten."

Patuloy ni Alfred, "I’m very very happy kasi dito tayo sa larangan ng public service nabigyan ng award, at na-feel ko ngayon na nasulit yung mga pinaghirapan ko, yung sakripisyo, yung pagpupuyat, yung kakulangan ng oras sa pamilya, saka sa ibang bagay…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dito kasi sa public service, isinakripisyo ko yung sarili kong dreams para makatulong sa iba na maabot din nila yung pangarap nila."

CULMINATION OF HIS HARD WORK

Maligayang-maligaya si Alfred dahil isang malaking karangalan ang recognition na ibinigay sa kanya ng JCI.

Saad niya, "Yung mga nakaraang taon, simula nang mag-lie low ako sa pagiging aktor, ito yung culmination na worth it talaga.

"Ito yung pinakamagandang desisyong ginawa ko sa buong buhay ko.

"And now I feel very very honored, kasi to be alongside fellow awardees before tulad nina Jessie Robredo, Ninoy Aquino, Loren Legarda, Jessica Soho, Kara David, Ryan Cayabyab…

"So to be one of the TOYM awardees, talagang napakalaking karangalan.

"Actually, noong tinawagan ako a few days ago, hindi ako makapaniwala.

"Pagkababa ko ng telepono, sobrang nanginginig yung kamay ko sa sobrang tuwa."

Patuloy niya, "I’ve always believed that service to humanity is the best work of life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag meron kang talent, kapag meron kang galing, kapag meron kang kakayahan, resources, huwag mo lang gamitin para sa sarili mo.

"Gamitin mo ‘yan para makatulong sa ibang mga tao, lalo na sa Pilipinas, lalo na sa ibang mga Pilipino.

"Hindi ko talaga ine-expect.

"Ito ang pinakamalaking karangalan na ibinibigay sa isang kabataan, pero to be part of it is still surreal.

"Sa Friday pa yung awarding, pero ngayon, ang dami ko nang nakukuhang messages of support, congratulations.

"And natutuwa ako kasi napakalaking bagay ng TOYM award na ito."

FOR HIS CONSTITUENTS AND FAMILY

Iniaalay raw ni Alfred ang karangalang ito sa kanyang mga kababayan sa Quezon City at sa kanyang pamilya.

"Itong award na’to, ino-offer ko sa lahat ng mga taga-Quezon City, sa Novaliches.

"At siyempre, lalung-lalo na para sa mother ko [Atty. Susana Dumlao Vargas] na nag-inspire sa akin na maging public servant.

"And to my wife, Yasmine, na kung hindi rin naman dahil sa kanyang understanding at sa kanyang pagiging supportive, hindi ko rin naman magagawa yung napakaraming bagay para sa mamamayan, tulad ng housing at pagpasa ng National Integrated Cancer Control Act."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Most definitely" ang sagot ni Alfred nang itanong namin kung naniniwala siyang, hanggang ngayon, ginagabayan pa rin siya ng kanyang pumanaw na ina.

Lahad pa niya, "May mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko, hirap na hirap ako.

"Nagdarasal ako sa mother ko at naririnig ko, bumubulong siya sa puso ko kung ano ang tamang gawin.

"Discernment is a very very difficult thing to do, to discern is very difficult.

"Pero if you have loved ones from heaven guiding you, nakakatulong sila, at yun ang personal experience ko.

"Iba yung bulong ng magulang mo na nasa langit dahil ginagabayan ka talaga."

Dahil napag-usapan ang kanyang ina, may anekdota na nabanggit si Alfred tungkol sa pagtatampo ng nanay niya nang magdesisyon siyang pumasok sa showbiz para maging artista.

"Nagtampo ang mommy ko sa akin noong nag-showbiz ako. Two weeks niya akong hindi kinausap.

"Gusto niyang maging abogado ako tulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero noong napanood niya ako sa TV, ipinatawag niya ako sa sala.

"Sabi niya, ‘Congrats. Okey lang na hindi ka mag-aral ng law basta mag-graduate studies ka. Mag-masters ka.’

"At ito na, ga-graduate na ako next year ng Master’s in Public Administration sa UP," nakangiting pahayag ni Alfred.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Representative Alfred Vargas on being chosen as one the Ten Outstanding Young Men in 2019: "I’m very very happy kasi dito tayo sa larangan ng public service nabigyan ng award, at na-feel ko ngayon na nasulit yung mga pinaghirapan ko, yung sakripisyo, yung pagpupuyat, yung kakulangan ng oras sa pamilya, saka sa ibang bagay…"
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results