Nakatakda sa Friday the 13th ng December 2019 ang cremation sa mga labi ni Mico Palanca.
Pumanaw ang 41-year old actor noong December 8, 2019.
Nagsimula ngayong Miyerkules, December 11, mula 1:30 ng hapon hanggang alas-dose ng hatinggabi, ang lamay para kay Mico sa Faith Room ng Arlington Memorial Chapels sa G. Araneta Avenue, Quezon City.
Mula alas-onse naman ng umaga hanggang 12 midnight ang oras ng lamay bukas, December 12.
9 A.M. ang Banal na Misa sa December 13, Biyernes, bago maganap ang cremation sa bangkay ni Mico.
Marami ang nabigla sa biglang paglisan ni Mico, pero nahinto ang mga haka-haka tungkol sa kanyang pagpanaw bilang respeto sa kahilingan ng naulilang pamilya niya na igalang ang panahon ng kanilang pagluluksa.