Kasalukuyang naririto sa Pilipinas ang American movie producer na si John Lee at ang Fil-Am producer na si Francis Ho.
Kasama si Cesar Montano, humarap sina Lee at Ho select members ng entertainment press para ibalita ang nalalapit na filming ng Freedom Fighters.

Ang pelikula ay tungkol sa life story ni Col. Macario Peralta Jr., isa sa mga itinuturing na bayani noong World War II.
Mga bida sa Freedom Fighters sina Cesar at Senator Manny Pacquiao, na gaganap bilang Col. Macario Peralta Jr.
Excited na si Cesar sa nalalapit na shooting ng Freedom Fighters.
Ayon sa aktor, magiging busy siya sa 2020 dahil sunud-sunod ang mga pelikulang gagawin niya.
Matagal nang hindi nakakausap ng entertainment writers si Cesar kaya naging generous siya sa pagsagot sa lahat ng mga tanong sa kanya.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming kontrobersiyang pinagdaanan si Cesar, pero imbes na sumagot, pinili niyang manahimik.
Nang tanungin kung napatawad na niya ang mga taong nakasakit sa kanyang damdamin, "yes" ang maagap na sagot ni Cesar.
Saad pa niya, "Yes, yes, and then, hiningi ko na rin ng tawad yun kay Lord.
"You have to forgive those people who hurt you, who owe you a lot na nasaktan ka emotionally.
"You have to, kasi ikaw lang ang magdadala nun.
"Kapag hindi mo pinatawad yun, ikaw rin ang kawawa, ikaw ang magdadala.
"Ikaw ang magsa-suffer kasi dadalhin mo yung galit na yun.
"You should throw away hate and give it to the Lord."
Madali bang magpatawad?
Sagot niya, "Hindi madaling magpatawad. Actually, it’s so hard.
"You have to pray for it, but God said, 'Ask anything in my name and I will give it to you and I will do it,' John 14:14."
Humingi na rin ba siya ng tawad sa mga taong nagawan niya ng pagkakamali?
"Yes."
Tinanggap ba nila?
"Well, hindi natin masasabi yun," sagot ni Cesar.
"Only the person, siya ang nakararamdam kung natanggap niya. Kung nagpatawad siya.
"Walang ibang makapagsasabi noon kundi siya.
"Hindi natin masasabi, 'O, pinatawad na kita.' No, you cannot.
"At least, nasabi mo na yun and, of course, bago magsara ang taon, dapat gawin natin lahat yun.
"We have to ask forgiveness sa lahat ng taong nagawan natin ng pagkakamali, lahat ‘yan, ha?"
KEEPING SILENT FOR THE KIDS
Naranasan ni Cesar na tapak-tapakan at yurakan ang pagkatao niya, pero hindi siya nagsalita dahil isinaalang-alang daw niya ang kapakanan ng kanyang mga anak.
"Hindi lang naman kasi ako ang involved, e. May mga batang involved.
"And if I prolong that, kawawa yung mga bata.
"I have to think about the children also. Hindi pupuwede.
"Kung ako lang yun, ha, madaling magsalita, but I have to think about the children."
Tanging peace of mind daw ang ang Christmas wish ni Cesar.
"The best siguro na mahihingi ng kahit na sino is peace of mind.
"You cannot enjoy anything without peace of mind.
"Kahit gaano ka ka-succesful, kung wala kang peace of mind, that's nothing."
Masarap bang maging Cesar Montano?
"Hahahaha! Mahirap maging Cesar Montano.
"Actually, mahirap maging alone without Jesus Christ," sagot niya.
Higit daw malaki ngayon ang pananampalataya sa Diyos ni Cesar.
"I made a covenant with God, to do films. Yung films na gusto Niyang gawin.
"All na naka-line up sa gusto Niya na ipagawa sa akin.
"He has given me talent to make films, and I’ll get fixated sa paggawa ng pelikula kaya puro pelikula talaga up to 2021.
"I feel relaxed, I feel happy with what I’m doing."
Sabi pa ni Cesar, "One day, biglang God talked to me.
"Sabi Niya, 'I gave you great talent to do films, but kung ano-ano pa ang pinaggagagawa mo?"
Sinabi yun ni God?
"Yes! Totoo," walang pag-aalinlangang sagot ni Cesar.