PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Chad Kinis, walang balak pakinisin ang kanyang mukha

Chad Kinis, ginamit ang pambu-bully na na naranasan sa kanyang comedy acts.
by Jojo Gabinete
Published Dec 13, 2019
Chad Kinis: "Sabi nga, beauty is skin deep, so hahayaan ko na lang ang kagandahan ko sa ilalim ng balat ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Richardson dela Cruz ang tunay na pangalan ng 33-year-old comedian na si Chad Kinis.

Chad Kinis ang naging screen name niya dahil hindi makinis ang kanyang mukha.

Nagsimulang tawaging Chad Kinis si Richardson nang magtrabaho siya bilang stand-up comedian sa mga comedy bar.

May kakayahan si Chad na gumastos para kuminis ang kanyang mukha, pero wala ito sa plano niya.

"Sa ngayon, wala ako naiisip na ganyan.

"Wala po akong planong magpakinis kasi minahal naman po ako ng followers ko sa ganito.

"Sabi nga, beauty is skin deep, so hahayaan ko na lang ang kagandahan ko sa ilalim ng balat ko," paliwanag ni Chad.

VICTIM OF BULLYING

Naranasan ni Chad maging biktima ng bullying noong bata pa siya dahil sa kanyang hitsura at balat, pero hindi ito nakaapekto sa pagkatao niya.

Instead, ginamit ni Chad ang kanyang mga malulungkot na karanasan para lalong maging matatag ang kalooban niya.

Kuwento niya, "Actually, noong binu-bully ako, pangit ang balat ko, ang pangit mo, ganyan…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa akin kasi, kapag binully ako, pasok dito labas sa tenga, 'tapos lahat ng negativity, ginagamit ko na kalakasan ko.

"So, pangit ako, ang ginawa ko kaya nagkaroon ako ng materials sa comedy bars, nag-audition ako sa mga comedy bar.

"Siguro, five years akong hindi natatanggap.

"Iniikot ko ang buong Metro Manila, walang tumatanggap sa akin na comedy bar.

"Sabi nila, ‘Hindi ka marunong magpatawa, hindi ka magaling, pangit ka.’

"Yung mga pambu-bully sa balat ko, from there, nakaisip ako ng materials na magagamit sa comedy bars.

"Mga self-deprecrating joke na nagustuhan naman po ng mga tao, and it worked."

Ulila nang lubos sa mga magulang, at hindi tanggap ng kanyang ama ang pagiging bakla niya.

"You just have to be strong naman po kasi life goes on.

"Kahit anong pambu-bully sa 'yo, you just have to be strong.

"Yun ang naging sandata ko dahil pinalaki naman akong malakas ng mga magulang ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magkasunod na namatay ang mommy at daddy ko.

"Seventeen years old ako nang mamatay ang mommy ko, at bago ako nag-eighteen, namatay ang daddy ko.

"Malungkot, kaso wala nang magagawa.

"Laging sumasagi sa isip ko na sana, nakikita nila na ganito na ako ngayon, kasi yung dad ko, hindi naman niya gusto na beki ako.

"Lumayas ako sa amin after mamatay ng mommy ko, kasi yung daddy ko, ayaw sa akin.

"Namatay po ang daddy ko dahil sa heart attack na wala ako sa bahay. Naging okey po kami bago siya namatay."

Hindi raw nagkimkim ng galit si Chad dahil naunawaan niya ang nararamdaman ng kanyang ama.

LAUNCHING MOVIE

Sampung taon nang stand-up comedian si Chad at anim na taon na siyang contract star ng Viva Artists Agency.

Nagbunga na ang pagsisikap, paghihintay, at pagtitiyaga ni Chad dahil bida na siya sa Tililing, ang pelikula ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan sa first quarter ng 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi basta artista si Chad dahil may negosyo rin siya, ang Comic Avenue, ang comedy bar sa Las Piñas City.

Business partners sila ni Andrew de Real, na mentor ni Chad.

Si Andrew ang nagturo kay Chad kung paano magpatawa at nagbigay ng unang trabaho sa dating aspiring comedian.

Itinayo ni Chad ang Comic Avenue, hindi lamang para sa sarili niya, kundi dahil din sa kanyang malasakit sa ibang mga stand up-comedian.

"Nagtayo ako ng comedy bar nang magsara ang The Library para merong mapuntahan ang ibang comedians na na nawalan ng trabaho.

"Kasi masakit kapag nawalan ka ng trabaho bilang comedian dahil yun ang bread and butter nila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chad Kinis: "Sabi nga, beauty is skin deep, so hahayaan ko na lang ang kagandahan ko sa ilalim ng balat ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results