Bela Padilla, Marco Gumabao magtatambal for the first time sa pelikulang Spellbound

Bela Padilla, Marco Gumabao to star in Pinoy adaptation of Korean movie Spellbound
by Jojo Gabinete
Dec 15, 2019
Marco Gumabao (left) and Bela Padilla (right) team up for the first time in the Pinoy adaptation of the Korean movie, Spellbound, produced by Viva Films and directed by Thop Nazareno (center).
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang Filipino adaptation ng 2011 South Korean blockbuster movie na Spellbound ang unang mainstream movie ni Thop Nazareno, ang direktor ng critically-acclaimed movies na Kiko Boksingero, Kuya Wes at Edward, kaya excited at thankful siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Viva Films.

Uumpisahan ni Thop ang shooting ng Spellbound sa January 2020 at nagsimula na siya ng paghahanda para sa pelikula na pagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

“We plan to shoot ng January. Magwu-workshop si Marco kasi yung character niya involves magic. Street magician yung character ni Marco so gusto rin niya na mag-hands on training,” ang sabi ni Thop.

Idea ni Marco na magkaroon siya ng workshop para sa kanyang role sa Spellbound dahil alam niya na mahirap i-fake ang pagiging magician.

“You have to have a certain body language or gesture so iyun ang sinabi ko kay Direk, kung puwede magkaroon ako ng workshop about magic, aside from the acting workshop.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento naman ni Bela na dalawang taon na ang nakalilipas, ipinabasa na sa kanya ni Boss Vic del Rosario ang script ng Spellbound, ang pangalawa na Philippine adaptation ng Korean movie na pagbibidahan niya dahil bida rin siya sa Miracle in Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival.

“Actually, ipinabasa sa akin nina Boss Vic itong script two years ago, 'tapos hindi mahanap ng tamang team for it, tamang leading man, I guess. Finally, natuloy siya,” ani Bela.

Ang Spellbound ang unang pelikula na pagsasamahan nina Bela at Marco pero pamilyar ito sa mga nakaraang proyekto ng kanyang leading lady.

“It’s a new working environment for us. We’re all excited for it. Si Direk Thop, na-meet ko siya this week and we talked about it. Yun ang maganda kasi collaborative nga siya. Hindi lang isang tao ang nag-iisip, everyone nag-iisip kaya nakaka-excite siya,” dagdag na pahayag ni Marco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napanood na noon nina Thop, Bela at Marco ang original Korean version ng Spellbound pero wala na silang plano na muling panoorin ang pelikula bago magsimula ang shooting nila.

“Pinanood ko siya pero hindi ko talaga pinapanood nang paulit-ulit. Once ko lang pinanood dahil ayoko rin na magaya siya. Pasok ang tema niya sa mga Pilipino so masarap siya na i-translate sa taste ng mga Pilipino,” pahabol pa ni Thop.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao (left) and Bela Padilla (right) team up for the first time in the Pinoy adaptation of the Korean movie, Spellbound, produced by Viva Films and directed by Thop Nazareno (center).
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results