Jolo Revilla-Angelica Alita wedding, napuno ng iyakan

by Jojo Gabinete
Dec 16, 2019
Umiyak si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang makita niyang naglalakad sa wedding aisle si Angelica Alita, ang babaeng pinili niyang makasama sa habambuhay.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook Live

Umiyak si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang makita niyang naglalakad sa wedding aisle si Angelica Alita, ang babaeng pinili niyang makasama sa habambuhay.

Iyak din nang iyak si Angelica sa kabuuan ng wedding ceremony.

"Jolo, be a good husband," mensahe kay Jolo ng kanyang ama na si Senator Bong Revilla Jr.

Ayon sa senador, tears of joy ang dahilan ng pag-iyak ng anak niya.

"Lahat kami, kinakabahan na, pero makikita po ninyo lahat ng mga nagmamahal kay Jolo, nandirito sila.

"Thankful ako sa lahat ng mga kaibigan natin na pumarito.

"Makikita po ninyo dito ang malalapit na kaibigan, pamilya.

"Very solemn po itong wedding, at ito po ang gusto ni Jolo na mangyari—very simple lang,” sabi ni Bong.

Kasalukuyan na nagaganap sa Pelican sa Newport Beach, California, USA ang garden wedding nina Jolo at Angelica.

Live na nasaksihan ng Facebook followers ni Senator Bong ang kasalan dahil sa Facebook Live coverage nito dahil sa kagustuhan niyang ibahagi sa lahat ang isa sa pinakamasayang araw para sa kanyang anak.

Continue reading below ↓

Si Pastor Peter Kairuz ng 700 Club Asia ang nagkasal kina Jolo at Angelica.

Sa kanyang opening prayers, hiniling ni Pastor Peter sa lahat ng mga bisitang ipagdasal ang mga kababayan natin sa Davao del Sur na biktima ng malakas na lindol na nangyari kahapon, December 15.

Ang dalawang kapatid na lalaki ni Angelica ang nag-represent sa kanyang mga magulang at kasama niya sa bridal march.

Kabilang sa mga secondary sponsor ang mga kapatid ni Jolo na sina Ram, Loudette, at Gianna.

Bestman ni Jolo ang kanyang Kuya Bryan Revilla.

Sina Davao City Mayor Sara Duterte, former Pamanga Governor Lilia Pineda, Bacoor City Councilor Rowena Bautista-Mendiola, PLDT Chief Financial Officer Chaye Cabal-Revilla, Gigi dela Riva, Cavite Governor Jonvic Remulla Congressman Martin Romualdez, at former Senator Jinggoy Estrada ang ilan sa mga principal sponsor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umiyak si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang makita niyang naglalakad sa wedding aisle si Angelica Alita, ang babaeng pinili niyang makasama sa habambuhay.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results