Direktor at producer ng original version ng Miracle In Cell No. 7, gustong "i-remake" ang Philippine version

by Jojo Gabinete
Dec 17, 2019
Korean movie director Lee Hwan Kyung (left) and movie producer Kim Min Ki (right) visit the Philippines for the premiere of the Philippine version of the Korean movie Miracle In Cell No. 7.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Dumating sa Pilipinas ang Korean movie producer na si Kim Min Ki at ang movie director na si Lee Hwan Kyung dahil dumalo sila sa red-carpet premiere ng Philippine remake ng Miracle in Cell No. 7.

Ginanap ang premiere sa dalawang sinehan ng SM Megamall kagabi, December 16.

Si Kim Min Ki ang producer at si Lee Hwan Kyung ang direktor ng original version ng phenomenal movie na unang napanood sa mga sinehan sa South Korea noong 2013.

Sa pamamagitan ng isang translator, ikinuwento nina Lee Hwan Kyung at Kim Min Ki na kahit isang libong beses na nilang napanood ang original Korean version, iyak pa rin sila nang iyak habang pinapanood ang Philippine adaptation ng kanilang phenomenal movie.

Tinanong ng Cabinet Files kung alin sa original version at sa Filipino remake ang mas maganda.

Sagot ni Lee Hwan-kyung, "May ganoong conversation kahapon.

"Dahil sa sobrang natuwa kami sa Philippine version, joke lang, pero sana itong Philippine remake ng Miracle in Cell No. 7, i-remake din natin, huwag lang mataas ang presyo."

Continue reading below ↓

Kidding aside, sinabi ni Lee Hwan-kyung na nagustuhan nito ang Tagalog version ng blockbuster Korean movie niya dahil sa ilang mga eksenang idinagdag ng direktor na si Nuel Nuval at ng Viva Films.

"Nakita niya ang ending, yung last part ng movie. Originally, wala yun sa Korean version.

"Noong napanood niya yung last part, napaisip siya na, yung sa Korean version, sana inilagay rin niya yung ending part.

"Sobrang nakakatuwa siyang panoorin. Nagkaroon siya ng ganoong impression.

"'Tapos nakita niya na yung audience, mas napapatawa, mas napapaluha kesa sa Korean audience.

"Nakita niya na mas emotional, mas sentimental yung na-execute ng Philippine movie, so natuwa talaga siya sa ganoong difference," pahayag ng translator tungkol sa reaksiyon ng Korean director ng Miracle in Cell No. 7.

Ang heartwarming scene nina Bela Padilla at Aga Muhlach sa ending ng Pinoy version, na wala sa original Korean version, ang tinutukoy ni Lee Hwan Kyung.

Continue reading below ↓

May kurot sa puso ang eksenang nagpamalas sa husay ni Bela bilang aktres dahil sa dalawang klase ng emosyon na nagpakita ng matinding pangungulila niya sa ama at puwedeng magbigay sa kanya ng best supporting actress award.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean movie director Lee Hwan Kyung (left) and movie producer Kim Min Ki (right) visit the Philippines for the premiere of the Philippine version of the Korean movie Miracle In Cell No. 7.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results