Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Deborah Sun, magiging masaya ang Pasko dahil sa pagkalaya

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2019
Character actress Deborah Sun is finally released from jail after her three-month incarceration since September 8 due to possession of illegal drugs.
PHOTO/S: Jerry Olea / PDEA

Makalipas ang mahigit tatlong buwang pagkakakulong, nakalaya na ang character actress na si Deborah Sun kaya magiging masaya ang kanyang Pasko.

Dinakip si Deborah noong September 8, 2019 sa isang buy-bust operation sa condominium building na tinitirhan niya sa Quezon City.

Kasama sa mga nadakip ang 45-year-old daughter ni Deborah na si Angela Porcuna at ang dalawang kaibigan nila dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang nanawagan noon ang 60-year-old actress sa kanyang mga kaibigan na tulungan siyang makalaya.

Nanindigan din si Deborah na hindi ito gumagamit ng ipinagbabawal ng gamot pero positive ang resulta ng drug test sa kanya.

Sa pagkalaya ni Deborah, kapansin-pansin ang kanyang karagdagang timbang.

Umaasa ang mga nagmamalasakit kay Deborah na magtitino na ito matapos makulong nang dalawang beses.

Unang napiit si Deborah sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City noong 2004 dahil sa estafa case na isinampa ni Lorna Tolentino laban sa kanya.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Character actress Deborah Sun is finally released from jail after her three-month incarceration since September 8 due to possession of illegal drugs.
PHOTO/S: Jerry Olea / PDEA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results