Miracle In Cell No. 7, surprise hit sa first day ng MMFF 2019

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2019

Ang Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7 ang surprise hit sa unang araw ng 45th Metro Manila Film Festival kaya overwhelmed si Aga Muhlach, ang lead actor ng pelikula.

Nang malaman ni Aga ang good news na pinipilahan sa box office ang Miracle in Cell No. 7, nagdesisyon agad siyang mag-ikot bukas, December 26, sa mga sinehang pinagtatanghalan ng kanyang pelikula para personal na pasalamatan ang moviegoers.

Continue reading below ↓

Ikinagulat din ng Viva Films executives ang resulta ng pelikula.

Bukod sa G classification ng MTRCB at Grade A na ibinigay ng Cinema Evaluation Board, malaking tulong sa success ng Miracle in Cell No.7 ang word of mouth na maganda at family movie ang project ni Aga, na muling nagkaroon ng filmfest entry makalipas ang 26 taon.

Itinuturing na isang milagro ang malakas na hatak sa takilya ng Miracle in Cell No. 7.

Kung hindi magbabago ang trend, may projection ang theater owners na malaki ang posibilidad na pumangalawa ang Aga-starrer sa M&M The Mall, The Merrier, ang comedy movie nina Vice Ganda at Anne Curtis na nangunguna sa walong pelikula na sabay-sabay nagbukas sa cinemas nationwide ngayong Pasko, December 25.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results