Miracle In Cell No. 7 naungusan na ang The Mall, The Merrier sa takilya?

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2019
Ayon sa cinema insiders, as of December 27, na-dislodge na ng Miracle in Cell No. 7 sa number one spot ang The Mall, The Merrier sa MMFF 2019 box office.

Ipinagbabawal ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagre-release ng mga movie producer at theater owners ng ranking, official earnings, at box-office gross ng walong pelikulang opisyal na kalahok sa annual December film festival.

Ngayong umaga, lumabas sa iba’t ibang social media platform ang diumano’y three-day box-office gross and ranking (December 25 to December 27) ng mga pelikulang palabas sa mga sinehan ng SM Megamall.

Nakasaad sa lumabas na resulta na nanguna ang The Mall, The Merrier (P3,157,342).

Pangalawa ang Miracle in Cell No.7 (P2,989,335); pangatlo ang 3Pol Trobol,Huli Ka Balbon (P897,194); at pang-apat ang Mission Unstapabol: The Don Identity (P690, 916).

Iba naman ang sinasabi ng mga cinema insider dahil, ayon sa kanila, as of yesterday, December 27, na-dislodge na ng Miracle in Cell No. 7 sa number one spot ang The Mall, The Merrier.

Base ito sa cinemas nationwide result, hindi lamang sa Metro Manila theaters.

Continue reading below ↓

Sakaling totoo ang report, ito ang unang pagkakataon makalipas ang pitong taon na hindi ang pelikula ni Vice Ganda ang highest-grossing film mula nang magkaroon siya ng official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2012.

Tila tutuldukan ng Miracle in Cell No. 7 ang kanyang lucky streak at pamamayagpag sa box office tuwing December.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May mga naniniwalang legitimate ang report na kumakalat, pero mas makabubuting hintayin ang official result na manggagaling sa organizers ng MMFF, kung magdedesisyon silang ibahagi sa publiko ang kinita ng 2019 edition ng taunang film festival.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa cinema insiders, as of December 27, na-dislodge na ng Miracle in Cell No. 7 sa number one spot ang The Mall, The Merrier sa MMFF 2019 box office.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results