Vice Ganda at William Martinez, binalikan ang alaala sa nagsarang Harrison Plaza

Pagsasara ng Harrison Plaza at pamamaalam ng Champ, maituturing na end of an era.
by Jojo Gabinete
Jan 3, 2020
Kabilang ang mga artistang sina Vice Ganda (kaliwa) at William Martinez sa may mga magandang alaala sa nagsara nang shopping mall na Harrison Plaza.
PHOTO/S: Noel Orsal / William Martinez Facebook

Itinuturing na "end of an era" ang pamamaalam noong 2019 ng Harrison Plaza at ng Champ, isa sa mga popular burger ng Jollibee na matagal na naging bahagi ng buhay ng mga Pilipino.

Kasabay ng pagtatapos ng 2019 ang pagsasara ng Harrison Plaza, isa sa dalawang mall—ang isa ay ang Ali Mall—sa Metro Manila na nagbukas noong 1976, at ang desisyon ng sikat na fastfood chain na i-phase out o huwag nang magbenta ng Champ na unang natikman ng mga Pinoy noong 1984.

Sa January 2, 2020 live episode ng It’s Showtime, hinikayat ni Vice Ganda ang viewers ng kanilang programa na panoorin ang The Mall, The Merrier, ang comedy movie nila ni Anne Curtis na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Binanggit niya ang Harrison Plaza, na opisyal na nagsara noong December 31, 2019.

Pinasalamatan muna ni Vice ang lahat ng tumangkilik sa The Mall, The Merrier bago niya sinabi ang malungkot na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May sad news kasi nga nag-close na yung Harrison Plaza.

"Doon po namin binuo yung pelikula namin ni Anne Curtis na The Mall, The Merrier, sa Harrison Plaza.

"Yun ang isa sa pinakaunang mall sa Metro Manila, nagsara na po pala siya noong December 31.

"So, para magkaroon kayo ng idea kung ano yung Harrison Plaza, panoorin nyo ang The Mall, The Merrier, kasi doon namin isinyut yung buong pelikula, para may idea tayo bago tuluyang mawala sa ating hulirip at alaala ang Harrison Plaza," sabi ni Vice Ganda.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lamang si Vice ang may karanasan sa Harrison Plaza dahil may fond memories din tungkol sa isinarang mall ang former matinee idol na si William Martinez.

Ikinuwento ni William na madalas siya sa Harrison Plaza noong teenager pa siya.

Hindi nakakalimutan ni William na kinunan sa Harrison Plaza ang ilang mga eksena ng City After Dark, ang 1980 critically-acclaimed movie ng Regal Films na mula sa direksiyon ng award-winning director na si Ishmael Bernal.

Manila By Night ang original title ng City After Dark na pinagbidahan nina William, Alma Moreno, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Charito Solis, Cherie Gil, Orestes Ojeda at Gina Alajar.

Pero pinalitan ang pamagat dahil sa pangambang baka makasira sa imahe ng Maynila ang kontrobersiyal na pelikula ni Bernal.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang mga artistang sina Vice Ganda (kaliwa) at William Martinez sa may mga magandang alaala sa nagsara nang shopping mall na Harrison Plaza.
PHOTO/S: Noel Orsal / William Martinez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results