Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Alden Richards, kahanga-hanga pa rin ang ugali

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2020
Alden Richards's close friends were surprised when he personally served his guests during his recent 28th birthday bash at Concha's, Quezon City, last January 2. (L-R: Kristoffer Martin, Alden, Bea Binene, Rodjun Cruz). He says, “Nagtataka ang iba sa inyo kanina kung bakit ako ang nagse-serve. Because in my life, I’ve learned how to be of service to people, giving out yourself to people, regardless kung nasaan man sila na estado ng buhay. It’s always about service."'
PHOTO/S: Bea Binene Instagram

Ang malalapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho sa GMA-7 ang mga bisita ni Alden Richards sa 28th birthday celebration nito na ginanap noong January 2, 2020 sa Concha’s, ang restaurant sa Sct. Madriñan, Quezon City na pag-aari niya.

Nagtaka ang mga bisita dahil si Alden ang personal na nagsilbi sa kanila ng mga pagkain, at nalaman nila ang dahilan sa birthday speech ng aktor.

“Nagtataka ang iba sa inyo kanina kung bakit ako ang nagse-serve.

"Because in my life, I’ve learned how to be of service to people, giving out yourself to people, regardless kung nasaan man sila na estado ng buhay.

“It’s always about service. It’s always about sacrifice. It’s always about giving yourself anytime to people who are in need. Doon ako naniniwala.

"I live by those words, and siguro, you made time to come here tonight para makasama ako sa kaarawan ko because you have known me to be that way, so maraming salamat sa inyo,” paliwanag ni Alden.

Continue reading below ↓

Kahit hindi sabihin ni Alden na hindi ito nagbabago mula nang magsimula ang kanyang acting career, marami ang makapagpapatunay na nananatili siyang mapagkumbaba, mabait at may respeto sa kapwa.

“Gusto ko lang malaman niyo na kung sino iyung Alden na nakilala niyo from the first time you have met me, ako pa rin ito hanggang ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Yung mga nakakasama ko for the longest time, I’m sure, kilalang-kilala ako na for the longest time, I’ve always been the same person, and I will never change for you guys kasi you keep me grounded, you keep me sane, and thank you so much.

“Sana, samahan niyo pa ako sa mga chapters ng buhay ko since I’m celebrating my 10th year in showbiz. Sana masamahan niyo ako sa 10th anniversary concert ko this year,” dagdag pa ni Alden, na may kakaibang excitement na nararamdaman para sa mga magagandang mangyayari sa kanyang showbiz career ngayong 2020, base sa gut feel niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards's close friends were surprised when he personally served his guests during his recent 28th birthday bash at Concha's, Quezon City, last January 2. (L-R: Kristoffer Martin, Alden, Bea Binene, Rodjun Cruz). He says, “Nagtataka ang iba sa inyo kanina kung bakit ako ang nagse-serve. Because in my life, I’ve learned how to be of service to people, giving out yourself to people, regardless kung nasaan man sila na estado ng buhay. It’s always about service."'
PHOTO/S: Bea Binene Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results