Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Wedding date nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, nananatiling palaisipan

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2020
Did Sarah Geronimo accidentally hint at her wedding date with fiancé Matteo Guidicelli?
PHOTO/S: @matteog via @isgfan Instagram

Ang binitiwang biro ni Sarah Geronimo sa ASAP Natin 'To ang naging ugat para maniwala ang publiko na mangyayari ang church wedding nila ni Matteo Guidicelli bago matapos ang second quarter ng 2020.

Nangyari ang pagbibiro ni Sarah nang isa-isa nitong kausapin ang mga personalidad na may viral video ng "Tala" at naimbitahang magsayaw sa anniversary kickoff ngayong Linggo ng tanghali, Enero 5, na siya ring ika-25 taon ng ASAP sa telebisyon.

“Pinapanood ko lang po for exercise at after noon, nagku-contract na ako. Kinabukasan, nanganak na ako,” sagot ng isang female guest nang tanungin ito ni Sarah kung paano niya natutunan ang "Tala" dance moves.

Naging viral ang video ng dance cover ng female guest dahil buntis ito habang sumasayaw sa himig ng "Tala."

Nang marinig ni Sarah ang sagot ng kanyang kausap, natatawang hirit niya, “So, alam ko na ang gagawin ko kapag ako ang nagbuntis, pero asawa muna bago buntis. Kasal muna bago buntis.”

Continue reading below ↓

Lumutang ang mga espekulasyong nalalapit na ang pag-iisang dibdib nina Sarah at Matteo nang i-post ng aktor sa kanyang Instagram account noong November 7, 2019 ang kanilang litrato na may caption na “I love you my love, now and forever," na nagpakita sa engagement ring na suot ng singer-actress.

Ipinagbunyi ng lahat ang kumpirmasyong engaged na sina Sarah at Matteo kaya kailan sila magpapakasal ang kasunod na tanong ng bayan.

Sa pagpasok ng 2020, lumutang ang balitang magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa bago matapos ang second quarter ng taon, pero nananatiling tahimik sina Sarah at Matteo tungkol sa kanilang wedding plans.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Sarah Geronimo accidentally hint at her wedding date with fiancé Matteo Guidicelli?
PHOTO/S: @matteog via @isgfan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results