Kumurot sa puso ng maraming tao sa buong mundo ang mga koala bear at kangaroo na nasunog at namatay dahil sa bushfires sa Australia.
Nagpahayag ng pakikisimpatiya at nalungkot ang mga Pilipino, lalo na ang mga kababayan nating malaki ang pagpapahalaga sa buhay ng mga hayop.
Nagsimula ang deadly bushfires sa Australia noong September 2019.
Lingid sa kaalaman nating lahat, mangyayari rin sa Pilipinas ang pagkamatay at pagdurusa ng mga hayop dahil sa ashfall na epekto ng Taal Volcano eruption.
Dahil sa hindi inaasahang pagsabog ng Taal Volcano, agad na nilisan ng mga residente ang mga tahanan at limitado lang ang mga personal na gamit na dinala nila.
Mabigat man sa kanilang mga kalooban, iniwan nila ang mga alagang hayop.
Ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga hayop (aso, baboy, kabayo, baka, at mga manok) na biktima ng ashfall ang dahilan ng desisyon ni Korina Sanchez na puntahan ang mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan bukas, January 16.
Public knowledge na dog lover si Korina.
Sa kanyang Facebook post, hiniling niya na suportahan at tulungan ang gagawin nilang pagliligtas sa abandoned dogs.
Mensahe ni Korina: "Our trip to as close as we can get to the volcano is on Thursday morning. Just doing our part for both humans and animals.
"There’s enough for the people. There’s not enough for the poor abandoned animals.
"Should you want to help, let us be your arm.
"Cash donations we can provide official receipts to you.
"We can also pick up donations in kind: dog shampoo, collars and leashes, dog bowls, dog vitamins, and FOOD.
"These dogs are used to table food like giniling, camote, kalabasa, malunggay, tabas ng karne.
"We will rescue and shelter them. For those inside homes with no food, we will feed.
"Please call or text 09088813256, 09175322568 Yura, 09173049183 Mark for your donations. Or email me at adoptapetfromk@gmail.com.
"We can take donations even beyond Thursday as we will need to keep feeding the animals until the situation settles.
"Thank you very much in advance."