Venue ng kasal nina Juancho Trivino at Joyce Pring, mapapalitan dahil sa Taal eruption

by Jojo Gabinete
Jan 16, 2020
Kahit hindi nagbanggit ng pangalan ng lugar, nagpahiwatig si Juancho Trivino na malapit sa kanilang tahanan sa Sta. Rosa. Laguna ang pagdarausan sana ng pag-iisang dibdib nila ni Joyce Pring.
PHOTO/S: @joycepring on Instagram

Magaganap ngayong first quarter ng 2020 ang garden wedding ni Juancho Trivino at ng kanyang fiancée na si Joyce Pring.

Pero may pagbabago sa venue dahil nakaapekto sa kanilang mga plano ang nangyayari ngayon sa Taal Volcano.

Kahit hindi nagbanggit ng pangalan ng lugar, nagpahiwatig si Juancho na malapit sa kanilang tahanan sa Sta. Rosa. Laguna ang pagdarausan sana ng pag-iisang dibdib nila ni Joyce.

Pero mapapalitan ito dahil sa nagbabadyang pagputok ng Taal Volcano.

Saad ni Juancho, "Mag-change venue kami dahil sa nangyari sa Taal Volcano.

"Siyempre, I’m from there also, from the area.

"Kahit anytime soon, di ba, hindi pa naman nag-e-erupt.

"So, kahit mag-erupt siya, today or tomorrow, God forbid, siyempre magiging sensitive din kami sa mga nangyari sa area.

"At this point kasi, kahit yung parents ko, yung family ko, nag-move out.

"My prayers are for the people living in the area.

"Sa Sta. Rosa, medyo malubha na yung area, what more dun sa malalapit?"

Continue reading below ↓

Patuloy ng Kapuso actor, "It’s a hard time. Hard time talaga yung mga nangyari.

"Kahit ako apektado ako, nai-stress ako. Yun ang mga nagko-consume ng thoughts ko.

"Yung mga kaibigan ko, mga mahal ko, marami akong mahal sa buhay na nasa Sta. Rosa.

"I grew up in the area, simula elementary, high school, doon ako lumaki.

"Ikinukuwento ng dad ko, pag-alis nila [sa Sta. Rosa house], hindi na kinakaya ng wipers ang ashfall.

"Parang every two minutes, bago makarating ng SLEX, tigil, punas.

"E, may asthma yung daddy ko."

Bakas sa mukha ni Juancho ang pag-aalala para sa lahat ng mga biktima ng phreatic eruption ng Taal Volcano.

Personal na nakausap ng Cabinet Files si Juancho sa taping ng Madrasta sa Antipolo City.

Malaking bahagi ng personal na buhay ni Juancho ang afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila nina Arra San Agustin at Thea Tolentino.

Nangyari ang marriage proposal niya kay Joyce noong nagsisimula pa lamang mapanood sa telebisyon ang Madrasta, at ikakasal sila sa panahong malapit nang magwakas ang kanilang programa.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit hindi nagbanggit ng pangalan ng lugar, nagpahiwatig si Juancho Trivino na malapit sa kanilang tahanan sa Sta. Rosa. Laguna ang pagdarausan sana ng pag-iisang dibdib nila ni Joyce Pring.
PHOTO/S: @joycepring on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results