Isa pang young volunteer na naghatid ng relief goods sa Taal evacuees, pumanaw na rin

by Jojo Gabinete
Jan 16, 2020
Pumanaw na rin si Darwin Lajara (kaliwa), ang kasama nina Rio John Abel (gitna) at Maximino Alcantara III (kanan) na naghatid ng relief goods para sa mga Taal evacuees.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na rin kahapon, January 15, si Darwin Lajara, 26, ang kasama nina Rio John Abel at Maximino Alcantara III, kapwa 22 years old, sa vehicular accident na nangyari noong January 13 sa Banaybanay, San Jose, Batangas.

Kagagaling lamang ng tatlo mula sa paghahatid ng relief goods para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption nang bumangga sa 10-wheeler truck ang kanilang sinasakyang Mitsubishi Lancer na minamaneho ni Maximino.

Sa unang mga ulat, dead on the spot sina Rio John at Maximino, samantalang buhay pa si Darwin nang isugod ito sa ospital.

Ang kaibigan ng tatlong biktima na si Merril Patrick Morie Cobarrubias ang nagbigay sa Cabinet Files ng mga detalye tungkol sa pagpanaw nina Darwin, Rio, at Maximino.


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Darwin Lajara (left) with Merril Patrick Morie Cobarrubias

Si Merril ang nagsabing lingid sa kaalaman ng marami, tatlo at hindi lamang dalawa ang nagbuwis ng buhay matapos magdala ng relief goods sa mga kababayan nating biktima ng pagputok ng Taal Volcano noong January 12.

Lubos ang pagdadalamhati ni Merril dahil inakala nitong makakaligtas si Darwin, na nakausap pa niya bago binawian ng buhay.

Sinabi ni Merril na sumagot si Darwin ng “Yes po!” nang sabihin niyang lumaban ito.

Pero sa huli, sumuko rin ang kaibigan.

"Pare, bakit ka bumitaw? Kinausap pa kita sa hospital. Sabi ko, lalaban ka at sumagot ka ng 'Yes po.'

"Tinanong din kita kung kaya mo, at ang sagot mo, 'Opo.'

"Pero bakit, pare? Bakit ka bumitaw?

"Napakasakit dahil akala ko, hindi ka bibitaw.

"Umasa akong magiging malakas ka at magiging maayos," ang mga salita ni Merril para kay Darwin, na itinuturing ding bayani tulad nina Rio at Maximino.

Continue reading below ↓

Ayon kay Merril, nakaburol sa kani-kanilang bahay anglabi ng mga kaibigan niya at hindi pa sinasabi ng mga naulilang pamilya ang araw ng libing.

"Sa kanya-kanya po nilang tahanan nakaburol ang bawat isa.

"Ang date po ng libing ay hindi ko pa po masasabi dahil hindi pa po napag-uusapan," pahayag ni Merril.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na rin si Darwin Lajara (kaliwa), ang kasama nina Rio John Abel (gitna) at Maximino Alcantara III (kanan) na naghatid ng relief goods para sa mga Taal evacuees.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results