Stand-up comedian Chad Kinis, naghatid ng relief goods at saya sa Taal evacuees

by Jojo Gabinete
Jan 16, 2020
Kasama ang kanyang mga kaibigan, naghatid ng kasiyahan si Chad Kinis sa pamamagitan ng mga talent nila sa pagpapatawa. Maliban dito ay nagpamahagi rin sila ng relief goods.
PHOTO/S: Courtesy of Chad Kinis

Hindi lamang relief goods ang dinala ng stand-up comedian na si Chad Kinis sa mga kababayan niya sa Batangas.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, naghatid din sila ng kasiyahan sa pamamagitan ng mga talent nila sa pagpapatawa.

Ang evacuation centers sa mga bayan ng Calatagan at Biga ang mga pinuntahan ngayon ng grupo ni Chad.

Ang mga bagong dating na evacuees na biktima ng Taal Volcano eruption ang nakinabang sa relief goods na ipinamahagi nila.

Pahayag ni Chad sa Cabinet Files, "Maaaring hindi matatandaan ng mga tao kung sino ako, kami na mga tumulong sa kanila.

"Ang mahalaga, maalaala nila sa kanilang mga puso na minsan sa panahon ng pangangailangan nila ay may tumulong at nagpangiti sa kanila, kahit sa gitna ng sakuna.

"Sa gayon, magawa rin nila ito sa hinaharap kapag ibang tao naman ang nangailangan ng kanilang tulong.

"I am just paying forward all the help that I got when I was starting."

Continue reading below ↓

Sapat lamang ang kinikita ni Chad dahil, ayon na rin sa kanya, hindi siya mayaman kaya pinasasalamatan niya ang lahat ng mga nagbigay ng tulong para sa mga kababayan natin sa Batangas province na naapektuhan ng Taal Volcano eruption.

"This relief operations will not be possible kung hindi dahil sa mga taong nag-donate at tumulong, dahil hindi naman ako mayaman kaya hindi ko ito kakayanin na mag- isa.

"Maraming salamat sa kanila dahil damang-dama ko, buhay pa ang bayanihan at pagmamalasakit ng bawat Pinoy sa ating mga kapwa.

"Big thanks to Vavaeng Marangal and Krissy Achino and to all my Taal Relief Ops Team or TROT.

"We are planning to make this team a permanent group ready to help our fellow Filipinos in need," sabi ni Chad.

Umaapaw ang galak sa puso ng comedian dahil natupad ang kanyang pangarap na makatulong sa mga napinsala ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ang kanyang mga kaibigan, naghatid ng kasiyahan si Chad Kinis sa pamamagitan ng mga talent nila sa pagpapatawa. Maliban dito ay nagpamahagi rin sila ng relief goods.
PHOTO/S: Courtesy of Chad Kinis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results