Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Bela Padilla, binati ni Vice Ganda dahil sa tagumpay ng Miracle In Cell No. 7

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2020
Bela Padilla on Miracle In Cell No. 7 beating Vice Ganda's The Mall, The Merrier in the box office: "Before Vice, meron din siyang predecessor na taon-taon number one. So, feeling ko, pana-panahon lang din."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nabanggit sa naganap na presscon ng On Vodka, Beers, and Regrets ang box-office success ng Miracle in Cell No. 7, ang pelikula ni Aga Muhlach na tinatampukan din nina Bela Padilla at JC Santos.

Idineklara bilang topgrosser ng 45th Metro Manila Film Festival ang Miracle In Cell No. 7.

Naniniwala si Bela na pana-panahon ang nangyari, at binanggit niyang si Vice Ganda ang isa sa mga unang bumati sa kanya sa tagumpay ng Miracle in Cell No. 7.

Kuwento ng aktres, "Si Vice ang isa sa mga unang nag-congratulate sa akin noong nag-announce na number one ang Miracle.

"And I’m also very happy for Vice kasi ilang years siyang undefeated.

"But again, it’s a film festival to entertain the masses on Christmas Day, so maybe it should not be taken too seriously.

"Before Vice, meron din siyang predecessor na taon-taon number one. So, feeling ko, pana-panahon lang din.

"At ang panalo po talaga dito ay ang Viva Films, kasi parehas na Viva Films…The Mall, The Miracle."

Continue reading below ↓

Ang Viva Films ang producer ng Miracle in Cell No. 7 at co-producer ng The Mall, The Merrier ang filmfest entry ni Vice Ganda.

"Personally, sa akin, maganda ang message, kasi ibig sabihin, lahat pala pinapanood," opinyon ni Bela.

Nagulat si Bela nang malaman niyang may screening ang Miracle in Cell No. 7 sa US at Canada simula ngayong January 17.

"Sana, ipadala kami sa US!" na-excite na reaksyon ni Bela.

Ipalalabas ang Miracle in Cell No. 7 sa mga sinehan sa California, Illinois, Maryland, Arizona, Texas, New Jersey, Washington, Virginia, Hawaii, Guam, Vancouver, Toronto, at Winnipeg dahil sa kahilingan ng mga Filipino community sa USA at Canada na gustung-gustong mapanood ang pinag-uusapang pelikula.

Ipinagmamalaki ng Viva Films na malakas pa rin ang ikatlong linggo ng Miracle in Cell No. 7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on Miracle In Cell No. 7 beating Vice Ganda's The Mall, The Merrier in the box office: "Before Vice, meron din siyang predecessor na taon-taon number one. So, feeling ko, pana-panahon lang din."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results