Sina Christian Bautista at Manila City Mayor Isko Moreno ang mga invited guest sa blessing ng Smilee Apparel, ang bagong negosyo na binuksan ni Paul Lee, ang ama ni Lloyd at father-in-law ni 2011 Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup.
Unfortunately, hindi nakarating si Mayor Isko dahil madaling-araw na ito nakauwi kaya ibinigay na lamang ni Mr. Lee sa isang Manila City Hall representative ang kanyang donasyon na isang milyong piso para sa siyudad ng Maynila.

Ipinangako rin ng biyenan ni Shamcey na sa loob ng isang taon, magbibigay siya ng donasyon sa City of Manila ng piso sa bawat T-shirt na gawa ng mga Pilipino na maibebenta niya.
Ang father-in-law ni Shamcey ang may-ari ng 10-story building ng Smilee Apparel sa 701 Reina Regente St., Binondo, Manila.
Sa panayam ng Cabinet Files, sinabi ng mag-asawang Lloyd at Shamcey na time management ang sikreto kaya nagagawa nilang harapin nang personal ang kanilang restaurant business na Pedro & Coi, at ngayon, ang Smilee Apparel.
Bukod sa pag-aasikaso sa kanilang mga negosyo at sa kanyang pamilya, si Shamcey ang hinirang na national director ng Miss Universe Philippines.
Nagpapasalamat si Shamcey kay Lloyd dahil very supportive ito sa kanyang bagong responsibilidad.
“He’s very supportive. Actually, I asked him first when it was offered to me.
"I consulted him, 'Okey lang ba?'
"Ako rin, I was quite hesitant at first, because of the time and of course, iyung responsibility, pero he’s very supportive,” sabi ni Shamcey.
MISS UNIVERSE PHILIPPINES NATIONAL DIRECTOR
Nagsalita si Shamcey sa unang pagkakataon tungkol sa pagkakapili sa kanya ng Miss Universe Organization bilang National Director ng Miss Universe Philippines.
“Never,” ang sagot ni Shamcey nang sabihin ng Cabinet Files na siguradong kahit sa panaginip, hindi pumasok sa kanyang isip na darating ang araw na magkakaroon siya ng importanteng papel sa pagpili ng mga kandidata na ipadadala ng Pilipinas sa Miss Universe.
“It’s surreal kasi hindi pa nagsisimula ang screening, but I’m very grateful for the opportunity na I never really dreamt of having that position at all.
"But it was given to me and I accepted with all my heart, and I hope I would be able to... kumbaga, kaya kong panindigan.”
Nagsimula na ang pagtanggap ng Miss Universe Philippines Organization ng applicants para sa Miss Universe Philippines 2020.
Ayon kay Shamcey, magkakaroon sila ng official announcement tungkol sa screening dates para sa mga kandidata at sa petsa ng coronation night.
Tinanong ng Cabinet Files kung puwedeng sumali sa Miss Universe Philippines 2020 ang mga past current beauty titleholder tulad ni Bb. Pilipinas-International 2019 Bea Patricia Magtanong at Miss International 2018 first runner-up Ahtisa Manalo.
Sagot ni Shamcey, “We will let you know, kasi right now, we’re still accepting applicants and we will have a deliberation, all of us, in the group.
"We have to discuss all items, especially with our legal department. We want to be really thorough sa screening process.”