Lingid sa kaalaman nang marami, "ipina-stop" ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name ang pagputok ng Taal Volcano.
Ipinalangin niya ito noong January 13—isang araw matapos pumutok ang bulkan noong January 12.
Noong November 2019, pinag-usapan ang pahayag ni Quiboloy nang ipinahinto nito ang malakas na lindol sa North Cotabato nang sumigaw siya ng "Stop!"
Mula noon, sa tuwing nagkakaroon ng mga kalamidad sa ating bansa, ang pangalan ni Quiboloy ang madalas na binabanggit, kinukutya, at ginagawang biro dahil sa kanyang claim na may kakayahan siyang magpahinto ng kalamidad, tulad ng pagtigil ng malakas na lindol sa Mindanao.
Pero hindi masyadong napansin ang mga pahayag ni Quiboloy sa live broadcast noong January 13 ng kanyang programang Ito ang Buhay.
Nakatutok kasi ang atensyon ng lahat sa pagliligtas at paghahatid ng relief goods sa mga kababayan natin sa Batangas na naapektuhan ng Taal Volcano eruption at sa pagbabantay sa aktibidad ng bulkan kaya
ON REPENTANCE OF SINS
Sa naturang episode, nanalangin si Quiboloy na matigil ang pagputok ng Taal Volcano, at pinaalalahanan niya ang lahat na pagsisihan ang mga kasalanan.
"Ito po ay paalaala para tayo ay mangagsisi, lumapit sa Kanya, at muling sundin ang Kanyang mga sinabi.
"Iyan po ang tunay na pagsisising makakapagpalambot sa puso ng ating dakilang Ama upang ang mga pockets of judgment na ito ay hindi na magpapatuloy o maaaring hindi na maganap.
Ngunit sapagkat ito ay nagaganap, nagpapaalaala sa atin na dapat tayo ay hindi lamang tumawag sa Kanya sa panahon ng ating sakuna o mga kalamidad, kundi sa lahat ng ating buhay ay ating i-alay sa Kanya.
"Hindi lang sa pagkilala sa Kanyang pangalan, kundi ang pagsunod ng Kanyang mga salita.
QUIBOLOY AS "APPOINTED SON"
Nanindigan ang pastor na siya ang itinalagang "appointed son" ng "Dakilang Ama."
Aminado raw siya na marami ang kumukutya sa kanya dahil sa kanyang "pananalita," pero ipinapalangin pa rin daw niya ang mga ito kasabay nang paghinto ng pagputok ng bulkang Taal.
"Gayunpaman, narito po ako bilang Kanyang appointed son, dumadalangin sa ating Dakilang Ama.
"Ini-invoke ko po in my intercession today, prayer of a righteous man availeth much, kaya ini-invoke ko po ang kapangyarihan ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng Kanyang hinirang na anak na maging sapat ang sakunang ito na nangyayari sa mga kababayan natin.
"Na sana’y mamulat na silang lahat sa katotohanan na hindi lamang dapat tawagin Siya sa panahon ng mga sakuna kundi sa lahat ng panahon ng ating buhay, na sundin natin ang Kanyang dakilang kalooban.
"STOP! Hinihiling ko po sa pamamagitan ng Dakilang Ama na i-i-stop o pahintuin na ang pagputok ng bulkang ito upang hindi na siya makapanalasa at makapanira pa.
"Ang Dakilang Ama ay nakikinig sa lahat ng dalangin ng kanyang mga hinirang at ako’y bilang Kanyang appointed son.
"Humihingi ako ng kapatawaran para sa lahat ng mga tao na umaalipusta sa Kanyang hinirang na anak, pinagtatawanan, kinukutya, at minumura nang dahil sa aking pananalita.
"Na sana kayo’y patawarin at sana kayo ay mamulat sa katotohanan at kung magkagayon, mga kapatid,sa pagsisising ito, hihinto ang pagputok ng bulkang ito nang ayon sa kundisyon ng ating mga puso.
MORE REMINDERS
Patuloy pa ni Quiboloy:
"I invoke the power of the Almighty na ito ay magkaroon ng lesson sa bawat isa sa pagsisising tapat na huwag nang magmura, huwag nang kutyain at huwag nang alipustain ang Kanyang hinirang na anak.
"Hinihiling ko na ihinto ang pagputok ng bulkang ito upang hindi na makapanira at makapanalasa pa at sapat na ang tao ay namulat sa katotohanan.
"Sa pangalan ng aking Dakilang Ama, I invoke the power of the Almighty to stop the eruption of Taal Volcano.
"In Jesus mighty name, amen. In the name of the Almighty Father, our Lord Jesus Christ, amen and amen."