Ang huwag husgahan si Jiro Manio ang pakiusap ni Dr. Elizabeth Pizarro-Serrano, chief ng rehabilitation center ng Bataan na pinagdalhan ni Ai-Ai delas Alas sa dating child actor noong 2016.
Malaki ang naitulong ni Dr. Serrano at ng kanyang staff kay Jiro dahil malaki ang naging improvement nito nang manatili ito sa rehabilitation center na naging tahanan niya sa matagal na panahon.
Nakarating kay Dr. Serrano ang bagong pagsubok na pinagdaraanan ni Jiro.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, umapela siya sa lahat na huwag husgahan ang former child actor na sinampahan ng frustrated homicide case dahil sa pananaksak diumano sa isang Zeus Doctolero sa insidenteng nangyari sa Marikina City noong Biyernes, January 17.
Ito ang mensahe ni Dr. Serrano (published as is): "Again, Jiro Manio is in the news....I hope huwag po natin i-judge si Jiro sa nangyari sa kanya.
"There are different versions of the story. May nagsabing napagkatuwaan siya ng isang grupo while he was on his way home from work and was hit by a helmet."
Nilinaw rin ni Dr. Serrano ang mga lumabas sa balitang may mga pagkakataong nagre-report daw si Jiro sa rehabilitation center na naka-marijuana.
"It was also said na habang nagre-report daw sya dati sa rehab ay naka- marijuana s’ya. I would like to correct the information.
"After 1-year of in house drug rehabilitation, Jiro 'worked' in the center and was very effective in his task helping in the advocacy activities.
"Marami s’yang na-inspire na mga kabataan whenever he gives his testimony.
"However, after more than a year, he decided na umuwi na sa pamilya n’ya to start anew and maybe try showbiz again or whatever na pwede n’yang gawin.
"After a few months, may tsismis nga na umabot sa rehab na nakapag-take uli sya ng marijuana.... BUT IT WAS NOT PROVEN!"
Patuloy niya, "We asked people concerned about his welfare na sana ipa-drug test s’ya para sigurado and at the same time maagapan but hindi namin alam kung ano ang nangyari... kung naipa-drug test ba s’ya o hindi.
"He communicated to us through messenger, pasulpot sulpot na messages.
"Minsan nagkukwento s’ya ng mga opportunities n’ya... ng pag-iisip n’ya kung makakabalik pa s’ya sa showbiz and we were there to listen as long as we can..
"He visited the rehab on September 2019 to surprise me on my birthday - and nag- NEGATIVE naman ang DRUG TEST n’ya."
Pakiusap pa ni Dr. Serrano: "Jiro might be confused kung ano ba ang gagawin n’ya but he was trying. Kung ano man ang nangyari, tulungan natin s’ya through our prayers.
"Let us not judge Jiro. Madaming Jiro sa paligid natin na nangangailangan ng kalinga. Sana bigyan natin sila ng chance.
"From TRC BATAAN, we wish only the best for you Jiro. God bless you!"
AI-AI'S REACTION
Kinuha ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Ai-Ai tungkol sa Facebook post ni Dr. Serrano.
Nilinaw ni Ai-Ai na nakalabas na si Jiro mula sa rehabilitation center sa Bataan noong 2018 nang sabihin sa kanya ng isang concerned citizen na gumagamit ng marijuana ang embattled actor.
Nanghihinayang si Ai-Ai dahil pinili ni Jiro na umalis mula sa rehabilitation center.
Bukod sa libreng pabahay at pagkain, may maayos na trabaho si Jiro at nasa mabuting kamay siya sa rehabilitation center.
Kaya ikinalungkot ni Ai-Ai ang desisyon ni Jiro na bumalik sa Metro Manila para muling subukan ang kapalaran sa showbiz na hindi naman nangyari.